Chapter 4: His rule

78 5 3
                                    


Guys Pahingi comment at vote naman dyan feel ko kasi wala naman sumusuporta sa Book 2 ko pls, 

Chapter 4: His rule

Kean 's Point of View

"Bakit ang tagal mo ha?" inaharap ko 'to si bret, nyeta kanina pa kasi ako nag-hihintay sa kanya, ang tagal-tagal niya, kung wala lang talaga akong kailangan sabihin sa kanya, hindi ako makakapag-hintay ng ganito. Text pa naman ng text sa akin si eris, may pupuntahan kasi kami, ngayon na din kasi yung alis namin. Remember yung sa vacation trip na binabalak namin, siguro hindi pa kasi ready si eris kaya text ng text. may kailangan lang din kasi akong sabihin sa kanya,

"Namo kean, nag-lilinis kaya ako ng kwarto mo, ano ba kasing kailangan mo?" sambit ng bret na 'to, parang nairita naman ako,

"tss, kung hindi lang talaga para kay ashley 'to. hindi ko'to gagawin eh, hoy bret, payag na akong ligawan mo siya.." parang nagulat pa siya sa sinabi ko, hindi ko alam pero pag-katapos kong sabihin 'yun ngiting aso na yung ugok na'to.

"Ta-talaga?,"

"oo nga ayaw mo pa, pero hindi ibig sabihin niyan. Ganun-ganun lang'yun," sambit ko tsaka umalis na ako, mamaya ko nalang sa kanilang dalawa sasabihin. Mas mabuting malaman nilang dalawa 'to kaysa kay bret.

isa pa isang linggo na din simula ng naging katulong namin si bret, actually napahanga ako sa mga ginagawa ni bret. Kasi naman ang galing-galing niyang mag-linis ng kwarto, hindi lang 'yun ang sarap niyang mag-luto ng mga ulam. Hindi ko alam na magiging ganun si bret, yung ugok kasi na 'yun simula ng umalis ako doon, wala naman siyang alam sa mga gawain bahay, puro nga aral yung ugok na 'yun. pero siguro dahil wala nga pala yung magulang niya, natuto na rin siya.

Sa totoo lang gusto ko naman din si bret para kay ashley. Pero nag-aalala lang ako kay ashley, dahil ayokong masaktan siya. kahit hindi naman sinabi sa amin noon na naging sila ni jayshin alam ko 'yun, at kitang-kita ko kung paano siya nasaktan kay jayshin, naalala ko pa nga tuwing nag-aaway sila ni jayshin halos mamaga yung mata niya kakaiyak,

Kaya gusto ko munang protektahan si ashley kay bret. Normal lang naman na may masakatan sa isang relasyon pero ayoko lang talagang nakikita si ashley na ganun. kahit hindi niya rin sabihin, nararandaman ko kung gaano niya kamahal si bret. Pero may isang dahilan din 'yun..

Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang nag-beep yung phone ko. kasalukuyan na kasi akong nasa kotse, napangiti naman ako bigla. For sure si eris na 'yun, kulit talaga ng babae na 'yun. kaya mahal na mahal ko siya eh,

Pero nagulat ako ng hindi pala kay eris 'yun, kanino naman yun ha?

Unknown text, binasa ko nga 'yung text niya. Simula ng mag-bakasyon lagi akong may narereceive na isang text pero same number pa din siya, hindi ko alam kung pinag-tritripan ba talaga ako ng taong 'to. pero lagot siya kapag nalaman ko kung sino siya,

From : Unknown text

Gusto mo ba talagang protektahan si ashley?, bakit mo ba 'to ginagawa ha?. sa mga ginagawa mo, natatawa ako eh.kasi naman kahit anong takas ang gawin ninyo, hindi pa rin mawawala ang tadhanang papatayin ko siya,

Nyeta! Hindi ko alam pero napatigil ako sa pag-babasa nun. Nakarandam ako ng takot sa aking dib-dib. Same text pa din yung narereceive ko, hindi ko siya kilala pero natatakot pa rin ako para kay ashley. May gustong pumatay sa kanya, kaya ito yung isang rason ko kung bakit ayokong maging sila ni bret. Kasi yung nag-tetext na 'to, may gusto kay bret. Napaka-obsese ng datingan niya.

Nag-send nga ako ng text sa kanya.

To: Unknown

Sino ka ba talaga tsaka, hindi ako naniniwala sa pinag-sasabi mo. Dahil alam kong hindi mo naman kayang gawin 'to, at isa pa huwag kang mag-text harapin mo ko sa personal.

She's Broken (Season 2: 7-days to fall in Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon