Gabing umuulan. Gabing madilim. Tanging kulog at pagpatak ng napakalakas na ulan sa tahimik na kalye lang ang maririnig at tanging kidlat lang ang nagsisilbing liwanag sa madilim na daan. Isang babae ang naglalakad at hindi nya alam kung saan tutungo. Babaeng walang ibang iniisip kung ano ba ang mali sakanya. Bakit ba lagi nalang syang iniiwan? Bakit lagi nalang syang sinasaktan? Walang may alam sa nararamdaman nya. Tahimik syang umupo sa tabi ng kalsada. Umiiyak nanaman sya. May 3, 2016, ang lalaking mahal na mahal nya iniwan na sya. Nagsasawa na daw si Dave. Naaalala nya nanaman lahat. Ang sakit sakit nanaman.
"Mai mai ayoko na! Itigil na natin to! Sawang sawa nako sayo. Pagod na pagod nako. HINDI NA KITA MAHAL" paulit ulit sa utak nya ang mga katagang iyon.
"AAAAAAAAHHHHH! ANO BANG KASALANAN KO BAKIT NANGYAYARI SAKIN ITO?! BEST GIFT EVER! KUNG KELAN BIRTHDAY KO SAKA GANITO?!" Sigaw nya habang umiiyak.
Tumakbo sya ng tumakbo hanggang sa mapagod sya. Hindi nya na alam kung nasaan sya. Lumalakas ng lumalakas ang ulan. Isa lang ang alam nya, hinding hindi sya iiwan ng ulan.
Makalipas ang isang linggo, nagbago na sya. Hindi na sya katulad ng dati na Happy go lucky. Hindi na sya masayahin. Ngayon, Mahilig na sya sa mga dark color. Wala na rin syang pakialam sa paligid nya at sa nararamdaman ng iba. Kung makakasakit sya o hindi Wala na syang pakialam. Minsan nga kapag nakakita sya ng sweet couple pinaghihiwalay nya. Bitter sya. Ayaw nyang sya lang nasasaktan. Gusto nya LAHAT! Nang agaw narin sya ng boyfriend ng iba. Kapag gusto nya, gusto nya. Lalandiin Nya yung lalaki tapos iiwan. Ganun sya. Gusto nya gumanti sa lahat ng lalaki. Gusto nya lahat ng babae maiwan din. Maganda naman sya. Maputi, makinis at nagmomodel. Ang Lima nya lang kaibigan ang umiintindi sakanya. Gusto nya gantihan si Dave kaya lang hindi nya mataim na masaktan ang mahal nya.
SANA makahanap sya ng lalaking Mamahalin sya at hindi iiwan.
The end.
BINABASA MO ANG
I'm fine. (One Shot)
Genç KurguHindi lahat ng story ay Happy Ending :( (Hello! Delete ko rin po siguro agad. Naiigno lang po ako kaya tinry ko tsaka di po ako writer. Reader lang po :D sorry kung panget :) thankyou :*)