Chapter 3
*Micah's POV*
"Waaaaaah ! Do I have to take a bath ? Eh kung basain ko lang katawan ko tapos wag tong ulo ko ?"
"For pete's sake Micah ! Kagabi pa yan, ni hindi ka nga nagsuklay pagdating mo dito sa dorm hanggang nakatulugan mo na yang ganyang ayos eh. Maligo ka na bago pa kita lunurin sa timba diyan." galit na galit naman tong si Althea ang aga aga.
"Eh pero .. hinawakan to ni Yands eh, saka tinali niya to. Nakakapanghinayang naman kung aalisin at liliguan ko lang."
Pinameywangan ako ni Althea at pinandilatan ng mata. "ANO KA BA MICAH ?! Para yun lang ? Nababaliw ka na ba talaga ? Aish ! Maligo ka na ! Male-late ka na !!" ang lakas ng sigaw niya =_____=
"Hindi pa naman ako mabaho ah ?" sabi ko saka inamoy amoy pa ang sarili ko.
Sa inis ni Althea ay hinila na niya ako at pwersahang pinasok sa c-r at papatayin niya daw ako pag hindi niya nakitang basa ang buhok ko. Huhuhuhu T^T sorry Yandss my loves, sa susunod makikipagsabunutan nalang ako sa susunod para matalian mo ulit ako. Si Althea kase eh, aish !
Pagkatapos kong maligo ay nag ayos na ako ng sarili ko. Excited ako pumasok makikita ko na naman si Yandss my loves ! WAAAAAAHH ! Iniisip ko palang naiihi na ako hahaha. Ano kayang itsura niya ngayon ? I'm sure naman na kahit anong itsura pa meron siya ay ang gwapo niya padin sa paningin ko. Waaaah ! Yanndsss my loves ! Hayy ! Ang sarap ma inlove !
"Nag-de-daydream ka na naman dyan ? Hindi ka naman magugustuhan ng Yandel na yon." panira talaga tong si Althea kahit kelan.
Tumigil ako sa pagsusuklay ko at inayos na ang pagkakabutones ng uniform ko.
"Bakit ba kase sinusundan mo pa yang Yandel na yan, ayan tuloy nagkaron ka ng kaaway at for the very first time na detention ka pa talaga dahil lang sa apple tart mo. Ano ba yang pinag gagawa mo Micah." dinadaldalan na naman ako ng nanay ko. T.T
"Maganda naman ang kinalabasan ng detention ko eh. Waaaaah ! nasabi ko na ba sayo na hinarangan niya ko para di ako masilipan ?"
"Yeah ! You've said it just 27 times." sabi niya habang nagsusuklay.
"Eh yung kinuha niya yung binigay kong apple tart ?"
"30 times mo ng nasabi."
"Eh yung...."
"Tinalian ka niya gamit yung straw ? Nasabi mo na din 50 times !" binaba niya na suklay na ginagamit niya at tumingin sakin. "Paulit ulit ka kaya kagabi pa at hanggang pagtulog sinasabi mo yan, mukhang nanaginip ka pa tungkol sa kanya tss." inirapan niya ko.
Nilapitan ko siya. "Talaga ? Hindi ko alam na nanaginip ako kagabi. WAAAAAHH ! tingin mo ? nagkiss kaya kami sa panaginip ko ? KYAHHHHHH ! Ang saya nun Althea." inalog alog ko pa ang braso niya at siya naman ay nakasimangot lang.
"Whatever ! Ano ba kaseng pumasok sa utak mo at lumabas labas ka pa non eh, pwede mo naman siyang hintayin sa loob ng room."
Bumitaw ako sa kanya. "Eh gusto ko na kase siya makita, saka sabi ni Bullet na..."
"Si Bullet ? Yung mukhang coloring book yung buhok na obsessed sa skate board ? Yun ba ang nagsabi sayo na lumabas ka ? Sinasabi ko na nga ba hindi magandang ehemplo yung clown na yun eh !" and now galit na galit na naman siya.
"Eh , hindi niya naman kasalanan yun."
"Kasalanan niya yun ! kung hindi ka niya sinabihan na lumabas hindi mangyayari yun. Bwisit yung lalaking yun !" humahampas hampas pa siya sa side table habang sinasabi yan.
BINABASA MO ANG
Chasing Apple
Hài hướcI don't attach weigh to love. I f*cking really don't But ... Once Upon A Time IT TURN THE OTHER WAY AROUND....