Chase 8 : Like or Love ?

462 31 1
                                    

Chapter 8

Bullet's POV

Ilang araw na ang nagdaan matapos ang camping, hanggang ngayon ay pinapagalitan padin ni Rage ang dalawa tungkol sa pagsama nila ng walang paalam, napapailing nalang kami dahil hindi nagsasawa si Rage sa pagpapagalit sa dalawa eh tinatawan lang naman siya. Tuwing nandito kami sa office niya, yung dalawa lang lagi ang nakikita niya at binubungangaan niya.

"Walang hiya kayong dalawa, hanap kami ng hanap kung nasaan kayo sumama naman pala kayo doon ? Hindi man lang kayo nagtext o tumawag ? Kung hindi pa ko tinext ni Kite hindi ko malalaman. Mag bwisit kayo." Rage nagging to Nalu and Knife.

"Ano ba Rage ? Nakarecord na sa utak ko yung pinagsasabi mo, hindi ba magbabago yan ?" reklamo naman ni Nalu.

"Aishh ------sasagot ka pa talaga .." umamba si Rage ng isang batok kay Nalu pero mabilis na tumayo si Nalu at nagtago sa likod nila Darce.

"By the way, Yandel.." baling ni Darce kay Yandel na kasalukuyang nakatulala at nakasandal sa isang couch.

Tinignan lang siya ni Yandel at parang hinihintay ang sasabihin niya. "Bakit ganun si Micah ?" automatic na nagbago ang itsura ni Yandel sa tanong ni Darce.

"Bakit ?" napa-angat pa siya sa upuan niya ng tanungin niya si Darce.

"Iniiwasan niya kami eh, may itatanong sana kami sa kanya pero umiiwas siya, simula nung dumating kayo galing sa camping ganun na siya. Ano bang ginawa mo doon hah ?" alam agad ni Darce na si Yandel ang dahilan ng pagiging ganun ni Micah.

Hindi naman sumagot si Yandel at sumandal ulit, ano ? Nakokonsensya na ba siya ?

"Ano ? Hindi mo ba sasagutin ang tanong ko ?" iritadong tanong ni Darce, gusto niya talagang alamin ang nangyari ah ?

"Hindi niyo ba alam ang nangyari huh ?" si Nalu yan at mukhang mag dadaldal na naman.

Napatingin naman sa kanya ang lahat, pumunta siya sa pwesto ni Rage at kumuha ng isang scratch paper sa lamesa nito at pumwesto sa gitna at umakto na para bang babasahin kunyari ang papel, uh mukang alam ko na ang gagawin niya, gagayahin na naman niya si Yandel.

"STOP THAT !" mabilis na tumayo si Yandel at kinuha ang papel na hawak ni Nalu saka nilukot at binato sa trash bin.

"Bakit ? Ikukwento ko nga sa kanila eh." simangot ni Nalu.

"NO ! Just shut up okay ?" pinanlakihan ni Yandel ng mata si Nalu at inirapan naman siya ni Nalu na parang  nag asta bata pa.

Bumalik si Yandel sa couch na inuupan niya, sumandal, pumikit at saka bumuntong hininga.

"Ano ba kaseng nangyari ?" tanong naman ni Rage.

Dumilat si Yandel at tumingin sa kanila. "Iniiwasan niya ako dahil pinahiya ko siya sa harap nila Bullet at kaya siguro iniiwasan niya din kayo dahil baka akala niya alam niyo na ang nangyari, ngayon alam niyo na ? Masaya na kayo ?" pabagsak siyang bumalik sa pagkakasandal sa couch na para bang frustrate na frustrate siya.

Sino ba naman kase ang hindi iiwas non diba ? Kaya ayun si Micah, bihira nalang din kami kausapin at mabuti nalang at makulit tong si Dagger at siya ang kumakausap ng kumakausap kay Micah balita ko nga ay nagdate na din sila nung isang araw katulad ng napag usapan nila sa camping, tss natatalo na talaga ni Dagger si Yandel., Ilang araw siyang ganon at hindi kami sanay na hindi siya nag iingay o nagwawala kapag nakikita si Yandel. Ngayon kase ay parang virus na iniiwasan ni Micah si Yandel, nawala yung pagpupursigi niya na mapansin siya ni Yandel, nawala ang lahat ng pagiging jolly niya at kasalanan yun ni Yandel. Tsk, kaya dapat ay humingi siya ng tawad dito.

Chasing AppleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon