Chapter 7Yandel's POV
"Beautiful !" nasabi ko nalang out of the blue.
And by that..
She open her eyes while slowly forming a naughty smile in her face.
sxacbnhcrsrccfxdsrcbbjbyvx
THE F*CK !
SHE'S AWAKE !
Mabilis akong napatayo mula sa pagkaka upo ko at napatalikod kay psycho. Shit ! Gising siya, gising ba siya all this time na nagsasalita ako ? Narinig niya pa lahat ng sinabi ko ? Damn it !
"I heard that Yandsss-- beautiful huh ?" napalingon ako sa kanya.
Nakaupo na siya at nakatingin sakin pero yung itsura niya para siyang lasing na hindi maintindihan, namumula ang mga pisngi at labi niya at ang pungay ng mga mata niya na nakatingin sakin.
Pumamewang ako. "Narinig ang alin huh ?"
"Yung sinabi mo, na maganda ako. Kyaaaah ! Yandssss --- totoo ? Nagagandahan ka sakin huh ?" yung sigaw niya parang pilit lang para bang out of energy, stupid girl pinipilit niya padin tumili ng ganun kahit na may sakit siya.
"Hindi ko yun sinabi." diretso kong sabi sa kanya.
"Sus ! Kunyari ka pa, narinig ko no. Beautiful, beautiful ka pang nalalaman, ay sus ! Matagal ko ng alam yon--- DATI pa." nakapikit siya habang nagsasalita tapos ay kumakampay kampay pa ang kamay niya sa ere na para siyang naglasing sa bar or somewhere out there.
"Aiish ! Nag ha-hallucinate ka lang, matulog ka na nga lang diyan." nakakainis tong babaeng to'.
"Hindi naman ako natutulog no ! Narinig ko yung sinabi mo." hindi daw natutulog pero nakapikit na, pero teka -- anong sabi niya ?
"Narinig mo lahat ng sinabi ko ?" nanlalaki ang matang sabi ko.
Dumilat siya ng bahagya. "Oo, diba sabi mo nga maganda ako ? Ikaw ahh-- pinag nanasaan mo din ako." the f*ck with the word pinag-nanasaan ?
"Damn ! Wala sa bokabularyo ko yun. Uughh, yun lang ba narinig mo ?"
Itinagilid niya ang ulo niya at pilit binuksan ang dalawa niyang mata na namumungay at tumingin sakin.
"Bakit ? May iba ka pa bang sinabi ?" napalunok ako sa sinabi niya at napatingin sa ibang direksyon.
"WALA NA ! Aissssh ! Dyan ka na nga, hintayin mo si Bullet diyan." tinalikuran ko siya.
"HOY ! wag mo kong iwan dito." mahinang boses na sabi niya.
Hindi ko na siya tinignan at napa iling nalang, bakit ba kahit may sakit siya ang lakas padin ng fighting spirit niya ? Baliw talaga siya. Isa siyang baliw. Paglabas ko ay saka ko lang nalaman na madilim na, bwisit na Bullet yun bakit ang tagal dumating ?
Aalis na sana ako para hanapin si Bullet pero ...
"WAAAAAAAAAHHHHH !" nagsisigaw ng ganyan sa loob si psycho kaya napatakbo ako.
Mabilis akong pumasok sa tent at tinignan siya, nagsisigaw siya at para bang takot na takot, nakatakip ang dalawa niyang mata gamit ang dalawa niyang kamay at dire diretso lang ang pagsigaw niya.
"Hoy ! Anong nangyari sayo hah ? Anong nangyari ?" tumakbo ako sa tabi niya.
"May ahas ! may ahas !" nagpapanic niyang sigaw.
BINABASA MO ANG
Chasing Apple
HumorI don't attach weigh to love. I f*cking really don't But ... Once Upon A Time IT TURN THE OTHER WAY AROUND....