Chapter 11
Micah's POV
"Can you explain to me what's behind this pictures ?" matutulog na at lahat lahat, ang taray parin ni Althea.
Inilatag niya sa ibabaw ng kama ang mga litrato na sinasabi niya at isa isa kong tinignan yun. Unti unting nanlaki ang mata ko doon at kinuha ko ang isa sa mga yun.
"OMG ! Saan mo nakuha to ?" gulat na gulat kong tanong.
"Kay Bullet ! Oh ano ? care to explain what's that ?" taas kilay niyang tanong habang may hindi maipaliwanag na itsura sa mukha, pero hindi ko yun pinansin dahil iba ang nakikita ko.
"OMG ! Thanks to Bullet ! Nakuhanan niya pala to ? At in fairness, nakatawa dito si Yands ! OMG ! Ang gwapo niya talaga." titig na titig ako sa litrato ng bigla namang hablutin yun ni Althea.
"What ?" inis kong tanong.
"What, what ? Hindi mo ba i-eexplain to ? Enchanted Kingdom ? The Fort ? Island Splash Resort ? Seriously, ilang lugar pa ang napuntahan niyo ni Yandel na hindi ko alam ?" okay ! Ayun pala ang ikinaiinis niya.
"Uhm ! Sorry, hindi ko nasabi na naalis kami ni Yandel, sa susunod isasama na kita." I pout.
"What ? Oh my god Micah !" napasapo siya sa noo niya at umupo sa tabi ko. "What I mean is THIS ! Ano to ? Kayo na ba ?" halos ibaon na niya ang mukha niya sa mukha ko sa sobrang lapit nito.
Inilayo ko siya. "Hindi ! Hindi ko alam. Parang ganun."
"ANO ??!" Ugh ! Umalingawngaw na naman ang boses niya.
"Eh hindi ko alam, bigla nalang siya nag iba isang araw, hindi na siya nagsungit, hindi na niya ako nilalayuan, lagi niya akong niyaya lumabas kaya ayan ---"
"Kay ano ? Hindi ka tumanggi ganun ?" Sinimangutan ko siya.
"Eh ano ba kaseng masama diyan ? Lumalabas lang naman kami ng magkasama eh." kumalma naman ang mukha niya sa sinabi ko.
"Right, lumalabas kayo ng magkasama, may gusto ka sa kanya, eh siya ba ? Umamin na ba siya sayo na gusto ka niya ? Baka mamaya pinag titripan ka lang ng mokong na yun." Oo nga, hindi ko naisip yun.
Napailing nalang ako. Ugh ! Hindi ko din kase alam, bigla nalang bumait si Yandel at may pagkakataon pa na inaasar siya nila Bullet sa hindi ko maintindihang dahilan, nagugulat nalang din ako na nauuto nila si Yandel lalo na kapag parang tinatakot nila ito na may sasabihin sila na kung ano. Hindi ko talaga alam kung anong nangyayari pero ....
OMG ! OMG ! Kinikilig ako. Sa loob ng isang linggo ang dami naming napuntahan at kung ano ano ang naging bonding namin, matino nadin siya kausap pero ganun padin ang itsura niya laging nakasimangot, minsan ko lang siya nahuling nakatawa at kapag tinatanong ko tinatanggi niya pa. Pero kahit na, KYAAAAHHHH ! THE FEELS ! Hindi ko alam kung ano dapat kong maramdaman , bigla nalang naging ganun at hindi ko alam kung bakit.
Hindi ko napansin na wala na si Althea sa harap ko at nakita ko na nakahiga na siya sa kama niya. Napagod siguro kakadaldal niya. Kinuha ko ang mga litrato, nasa perris wheel, nasa restau, nasa seaside, nasa resort at kung ano ano pa. Napapatawa nalang ako, hindi ko naisip na mag hahire pa si Yandel ng photographer namin at si Bullet pa. Wala naman kaming kasama ni Yandel nito pero may kuha kami sa malayo. Nakita ko pa na naging photo bomber namin sa seaside sila Nalu at Knife, kahit sila andun ? Hindi sila talaga tumitigil kakasunod samin ni Yands my loves.
Itinabi ko ang mga litrato at humiga na. Matutulog na sana ako ng mag ring ang phone ko.
Yands My loves : Are you asleep ?
BINABASA MO ANG
Chasing Apple
HumorI don't attach weigh to love. I f*cking really don't But ... Once Upon A Time IT TURN THE OTHER WAY AROUND....