ARIELLE P.O.V
Recess namin at wala akong ganang kumain ngayon kaya naglalakad ako sa hallway ng mapadaan ako sa library.
Napagdesisyunan kong pumasok sa library. Nakangiti naman na bumati saakin si Ms.Cha ang Librarian namin dito mabait si Ms.Cha hindi katulad nung mga ibang librarian sa ibang schools na ang susungit akala mo laging may dalaw. .-.
"Mr.Kim napadaan ka dito? break nyo ngayon diba?"-tanong saakin ni Ms.Cha tumango naman ako at tumapat sa mesa nya.
"Wala po kasi akong ganang kumain kaya napadaan po ako rito."-sagot ko saka kumamot sa maiksi kong buhok. Ngumiti ulit sya saakin saka inabot ko yung Library I.D ko para makapasok ako sa loob ng library.
"Kamsahamnida!"-pagpapasalamat ko saka nagbow. Pumasok na ko sa library.
Pangalawang beses ko pa lang pumasok rito pero hindi ko parin maiwasan na mamangha sa laki ng library namin. May mga ibang students din sa loob na nag-aaral.
Pumunta ko sa Fairytail section at hinanap yung kwentong hinahanap ko.
Agad nakita ko sa taas ng shelves nakalagay yung libro.
"Aish. Hindi ko abot."-pilit na inaabot ko yung libro. Pero wala talaga dahil hindi ko manlang mahawakan. Nakakaasar!
Napakadwende ko talaga :(
Napaangat ulit ako ng tingin pero nagulat ako na may isang kamay na kumuha dun sa libro.
O.O
Agad na napalingon ako kung sino yung kumuha.
"The Little mermaid?"-sabi ni Sehun habang binabasa yung libro na kukuhain ko sana.
"Akin na nga yan Sehun."-sabi ko saka kinuha sa kamay ni Sehun yung libro.
"Eto na...Grabe ka saakin Arielle sinundan nga kita rito tapos susungitan mo lang ako?"-inabot na nya saakin yung libro tumingin naman ako kay Sehun na nakapout pa.
"Bakit kailangan mo kong sundan?"-takang tanong ko saka naglakad papuntang mesa. Sumunod naman saakin si Sehun.
"Wala lang. Hinahanap ka kasi nila Baekhyun hyung hindi ka nila makita dahil sa sobrang liit mo. Sakto naman nakita kita papasok rito sa Library kaya sinundan narin kita."-sagot ni Sehun tapos nag creepy smile pa sya saakin kaya napasimangot na lang ako.
ABA.
Asarin ba ko sa height ko?
buti matangkad ka Sehun kung di baka kiniskis na kita rito sa mesa ng library! >.<
Umupo na lang ako at ganun din ang ginawa ni Sehun.
"Bakit mo gusto basahin yan?"-tanong ni Sehun pagkaupo namin.
Napatingin tuloy ako sa cover ng libro.
Napangiti ako ng tuluyan ng maalala ko kung anong meron sa librong to.
"Oh,Bakit ka naman nakangiti? Crush mo si Princess Ariel no?"-mapangasar na tanong ni Sehun kaya napatingin ako ng masama sakanya pero ningitian nya lang ako.
"Wala naman. May naalala lang ako sa librong to."-sagot ko saka hinawakan yung cover ng libro.
"Eomma bakit ba Arielle ang binigay nyong pangalan saakin?"
"Dahil ayun ang gusto namin Ipangalan sayo ni Appa... base kasi yun kay Princess Ariel ng The Little mermaid favorite kasi namin ng Appa mo ang fairytail story na yun . Ayaw mo ba ng pangalan mo?"
BINABASA MO ANG
Welcome to X.O.X.O High School of Boys [Exo Fanfiction.]
FanfictionExo Fanfiction. - NetminLee_lovekpop.