ARIELLE P.O.V
"This way Sir."-tumango ako sa babaeng nag-aassist saakin papunta kay Mr.Kim ang asawa ni Ms.Hannah. Naguguluhan parin ako kung bakit ako pinagpapanggap ni Ms.Hannah na maging anak nya.
Pero wala na kong choice kung di sundin na lang dahil si Seul Unnie ang pinaguusapan namin dito.
Nasa isang Hotel ngayon ako sa Seoul sobrang sosyal at maraming mga taong elegante rito. Puro ginto rin ang paligid kaya di na ko magtataka kung gaano kayaman si Mr.Kim.
Napunta ako sa isang restaurant sa loob ng hotel may lalaking nakatalikod saakin. Halata rito ang puting buhok nito na matandang lalaki sya.
"Good Afternoon Mr.Kim nandito na po si Mr.Arielle."-sabi nung nag assist saakin. Agad namang tumigin saamin si Mr.Kim. nag ka eye to eye kami kaya napalunok ako ng mariin.
"You're here My son."-tumayo si Mr.Kim sakanyang upuan at niyakap ako. Medyo nagulat ako pero hindi ko na lang pinahalata.
"Umupo ka na para makakain na tayo."-nakangiting sabi ulit ni Mr.Kim. Ngumiti ako at tumango umupo na ko sa kaharapan na upuan ni Mr.Kim.
Nagpaalam muna yung nag assist saakin saka dumating ang waiter para makaorder na kami. Steak na lang inoder ko saka Chocolate Shake.
"So,Kamusta ang pag-aaral?"-nagbukas ng unang topic si Mr.Kim. Umayos ako ng upo tapos inayos ko yung necktie na suot ko.
"Ma-maayos naman po Mr-- Appa."-nagaalangan kong sagot kaya umiwas ako ng tingin. Naakakaasar! Mukha kasing sobrang bait nito ni Mr.Kim nakokonsensya ako sa pagpapa-panggap bilang anak nya.
"Mukhang nahihirapan ka Arielle dahil pumayat ka ata."-sabi ulit ni Mr.Kim at tumingin sa akin.
"Oo nga po eh."-yun na lang ng sinagot ko saka nagkamot sa ulo.
"Maganda ang pagpapalaki sayo ni Hannah. Wag kang mag-alala kapag kagraduate mo ibibigay ko kaagad sayo ang kompanya."-nakangiti ng sabi ni Mr.Kim napalaki naman yung mga mata ko.
What?
Anong kompanya?
Hala. Bakit nya ibibigay saakin?!
Saka talagang Arielle ang pangalan ko? Ibig sabihin Arielle din pangalan ng anak ni Mr.Kim at Ms.Hannah?
Sobrang naguguluhan ako. Pero nanatili parin akong tahimik at sundin ang sinabi saakin ni Ms.Hannah kung di si Seul Unnie mapapahamak.
"Nandito na yung pagkain natin."-lumingon ako sa dalawang waiter na hinanda yung pagkain namin. Nagumpisa na kaming kumain tahimik lang hindi na nagsasalita si Mr.Kim.
Nahihiya rin naman kasi akong magbukas ng topic.
"I see."-napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi ni Mr.Kim hindi ko rin naintindihan dahil bigla syang nagsalita ng ganun.
"You're not my Son,Right?"-dun ko na nabitawan yung hawak kong kutsara at tinidor.
Wala pa kong ginagawang kakaiba na-nahuli agad ako?!
"Si Arielle sobrang daldal nya kaya nagulat ako ng di ka man lang nagsasalita. Kaya alam ko ng hindi ka si Arielle na anak ko and Napakasaya nya kapag kami ang mag kasama. Who are you?"-seryosong sabi ulit ni Mr.Kim kalmado parin ang tono ng boses nya pero sobrang nakakatakot yun para saakin.
"A-ah.. ano po.."-nakakailan na kong paglunok ng mariin.
"Where's my son?!"-napayuko na lang ako. Hindi ko alam! Naguguluhan din ako!
BINABASA MO ANG
Welcome to X.O.X.O High School of Boys [Exo Fanfiction.]
FanfictionExo Fanfiction. - NetminLee_lovekpop.