18.

84 3 1
                                    

ARIELLE P.O.V

"Anong pangalan ng Appa mo?"-tanong saakin ni Sehun na nagsusulat ng form para sa P.E subject namin.

Dapat nga ako yung magsusulat ng sarili kong form pero trip daw ni Sehun magsulat kaya sya na lang daw magsulat ng form ko.

Baliw talaga. -.-

"Kim Jaehyun."-sagot ko naman.

"Ano ulit?"-tanong ni Sehun. Hindi nya siguro maspell ng tama yung pangalan ni Appa haha.

"Kim Jae-hyun. Kim Jaehyun."-sagot ko ulit sakanya. Tumango naman si Sehun saka sinulat na yung pangalan ni Appa sa form.

"Tapos na! Ganda ko magsulat no?"-proud na proud pang tanong saakin ni Sehun kaya napatawa na lang ako.

Binigay nya saakin yung form at Ipapasa ko naman sa President naming nango-ngolekta ng mga forms.

Nagkasabay naman kami ni Joy sa pagbigay kaya nagkatinginan kaming dalawa.

"Oy Lovebirds ibigay nyo na yan saakin."-napatingin naman ako kay Leo sya ang President namin. Agad ko naman binigay yung form ko.

At ganun din si Joy saka nakayukong naglakad.

Parang iniiwasan nya ko. Kasi kahapon lang sya nagconfess saakin pero hanggang ngayon kinikilabutan parin ako.

Magkagusto pa naman saakin yung kapwa ko babae di pa ba ko mandidiri?

Aish. Pero may part na nakakaawa si Joy dahil may gusto sya sa kaparehas nya ng gender. Nakakasar! Ganun na ba ko mukhang lalaki at may nagkakagusto na saakin?

"Sighs~ di ko alam gagawin kay Joy."-sabi ko sa kawalan ng makaupo ako sa upuan ko.Bumalik narin si Sehun sa upuan nya.

"Bakit ano bang gagawin mo sakanya?"-napatingin naman ako kay Chanyeol na narinig pala yung sinabi ko.

"A-ah ewan ko nga eh kasi naawa ako sakanya."-malungkot na sagot ko saka nagbuntong hininga pa.

Minsan kasi naranasan ko na rin ang magconfess at mareject noong 2nd year ako dati sa school na pinagaaralan ko nung buhay pa sila Eomma at Appa.

Syempre masakit saka nakakalungkot kasi nireject ako pero nakamove on din naman ako ng mga panahon na yun.

"Bakit hindi mo kausapin at ipaintindi na hindi mo sya gusto?"-tanong ulit ni Chanyeol kaya napa isip ako.

Oo nga...

Mamaya sigurong uwian makikipagusap ako kay Joy at sabihin kung bakit hindi ko sya gusto.

"Tama... Sige gagawin ko yun."-sagot ko kay Chanyeol saka ngumiti sakanya.

Umiwas naman agad ng tingin saakin si Chanyeol na pinagtaka ko naman.


-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-

AUTHOR'S P.O.V

"J-Joy."-mahinang tawag ni Arielle kay Joy na nagliligpit ng gamit nya.

Agad naman tumingin at namula ang mga pisnge ni Joy nang makita nya si Arielle.

"Oppa."-sabi rin ni Joy saka tumayo ng maayos.

Lahat na ng kaklase nila ay umalis na at silang dalawa na lang ang nasa room.

"Sorry pala kahapon."-nahihiyang sabi ulit ni Arielle saka kumamot sa maiksi nyang buhok na lalong ikinapula ng pisnge ni Joy.

Sa paningin ni Joy napaka cute ni Arielle kaya sobrang lakas ngayon ng tibok na puso nya.

Welcome to X.O.X.O High School of Boys [Exo Fanfiction.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon