ARIELLE P.O.V
"Kai!!! Kai sandali lang naman!"-hinihingal na sinundan ko si Kai sobrang bilis nyang maglakad habang ako tumatakbo na. Naiwan ko pa si Luhan na mag-isa dun sa may hallway!
Nataranta kasi ako kay Kai eh parang galit ata sya? Sino bang hindi magagalit Arielle sa nalaman ni kai?! Malamang galit si Kai naloko ko sya.
At baka hindi na ko pansinin pa ni Kai huhuhu nakakaiyak naman! TT^TT
"Kai! Te-teka lang naman magpapaliwanag ako!"-nahila ko yung laylayan ng uniform ni Kai kaya napatigil sya sa paglalakad.
"Ano pa bang kailangan mong ipaliwanag? Nanloko ka Arielle! Niloko mo kami! Nagsinungaling ka saamin sa tingin mo pakikinggan ko pa ang paliwanag mo?! Bakit kaba nandito sa school namin may gusto ka ba sa isa saamin kaya nagpapanggap ka?"-walang paawat na puro tanong ni Kai kaya napalunok na lang ako ng mariin. Grabe parang nahot seat ata ako.
Pero wala naman akong gusto niisa sakanila turing ko lahat sakanila ay kaibigan kaya wala akong planong ganun. Lahat ng to dahil kay Ms.Hannah!
"Kai---"
"Sasabihin ko sa lahat ang sekreto mo! At ano? si Luhan hyung at Baekhyun hyung ang may alam? Ibig sabihin pinaglalaruan nyo lang kami?!"-nakikita ko sa mga mata ni Kai na nasasaktan sya. Napakagat na lang ako ng labi.
Hindi nya pwedeng sabihin sa lahat! Hindi ko pa nga nahahanap yung lalaking Arielle tapos hindi ko pa nahahanap si Seul Unnie kailangan ko pang manatili rito ng kahit ilang araw pa. Kailangan ko malaman kung ano talagang nangyayari.
Umiling-iling ako sa harapan ni Kai tumingin ako sa mga mata nya na parang naasar na saakin.
"Sorry Kai pero hindi ako papayag na sabihin mo lahat sakanila. May dahilan ako kung bakit ako nandito at hindi ko kasalanan kung bakit ako nandito napilitan lang ako."-sagot ko kay Kai nakita ko ang pagiba ng kanyang expression. Naging mas seryoso sya ngayon.
Kinakabahan na ko dahil hindi ko alam kung ano ang iniisip ni Kai ngayon. Galit parin ba sya? O pwede na ba kong magpaliwanag?
"Ku-kung naloko ko kayo Sorry pero Kai pakinggan mo naman ako!"-hinawakan ko na si Kai sa wrist nya habang nagmamakaawa ako. Please Kai pakinggan mo ko...
"Pwede ba Arielle wag ka munang lumapit at magpakita saakin. Ayoko ng kaibigang manloloko."-huling sabi ni Kai bago nya mariing kumalas sa pagkakahawak ko. Napatigil na lang ako sa kinatatayuan ko.
Di ko namalayan na tumulo na ang mga luha ko.
"Kai...."
-Faculty Room-
"Ilock mo Luhan yung pinto."-utos ni Mr.Choi kaming apat lang ang nandito sa faculty school hours parin kaya walang ibang Teachers ang pumupunta rito.
Nagkatitigan muna kami ni Baekhyun bago mapunta yung tingin ko kay Mr.Choi na nakaupo sa harapan namin.
"So,Kamusta na yung lalaking Arielle?"-tanong ko kay Mr.Choi. Pinatawag nya kami para dito para kausapin tungkol sa kaso ko.
Nalaman kong dapat si Arielle Kim na tunay na lalaki ang nandito sa X.O.X.O high. Naaksidente sya 2 years ang nakakaraan dahil sa pagdadrive ng sobrang bilis madulas ang daan kaya di nakontrol ni Arielle yung kotse nya at bumangga sa isang puno.
BINABASA MO ANG
Welcome to X.O.X.O High School of Boys [Exo Fanfiction.]
FanfictionExo Fanfiction. - NetminLee_lovekpop.