AUTHOR P.O.V
"Ihiga nyo si Arielle dali!!!"-natatarantang sigaw ni Baekhyun binuhat naman ni Kai ang Arielle na nahimatay dahil sa taas ng lagnat nito.
"Aish. Saan ba to nanggaling at nagkasakit pagkauwi?"-halata sa mukha ni Luhan ang pagaalala. Nakapunta na sila sa kama ni Arielle at inihiga si Arielle sa kama nito.
"Kukuha lang akong gamot sa clinic."-sabi ni Chanyeol nagsitanguan naman sila nagmamadaling umalis sa dorm nila. Umupo si Sehun sa couch malapit sa kama ni Arielle.
Gusto ng maiyak ni Sehun dahil nagaalala sya kay Arielle. Hindi alam ni Sehun kung bakit OA sya ngayon. Pero ang alam nya lang ay sobrang nag-aalala sya para kay Arielle.
"Hay... Kukuha ako ng maligamgam na tubig saka towel."-sabi ni Luhan at pumunta sa kusina. Si Baekhyun,Kai at Sehun na lang ang natira nakatingin sila ngayon sa namumutlang Arielle.
"Siraulo talaga tong Arielle na to. Kapag nagising sya babatukan ko talaga sya!"-naaasar na sabi ni Baekhyun bago umirap. Si Kai naman tahimik lang na katayo.
Pinagmamasdan ni Kai si Arielle ng mabuti.
Tinignan ni Kai ang mukha ni Arielle.
Sa mata,Ilong,at Labi...
biglang napalunok ng mariin si Kai ng nahagip ng paningin nya ang labi ni Arielle na sobrang pula parin kahit na may sakit na.
"Arielle sino ka ba talaga?"
"E-eto na!"-hinihingal na dumating si Chanyeol dala-dala yung mga hiningi nyang gamot sa clinic. Kinuha naman ni Baekhyun yun at nilagay muna sa bedside table ni Arielle.
"Hyung... Pinagpapawisan na si Arielle kailangan na natin palitan sya ng damit."-sabi ni Sehun ng mapainsin nyang sobrang pawis na ni Arielle. Mukhang mainit din ang suot nito dahil naka tuxedo si Arielle.
"ANO?! A-ANONG BIBIHISAN?"-nagulat sila sa pagsigaw ni Baekhyun. Rinig din sa kusina kaya napalingon si Luhan na busy sa pagpapainit ng tubig.
"Wala! Walang magbibihis!"-sabi ulit ni Baekhyun. Nanlalaki naman ang mata ni Kai.
"Pero Hyung! Lalo lang magkakasakit si Arielle kapag di sya nakapagpalit."-sagot ni Kai naguguluhan kasi sya sa nireact ni Baekhyun.
"K-Kung ganun ako na lang magbibihis kay Arielle umalis muna kayo rito!"-sigaw ulit ni Baekhyun. Napahawak tuloy si Sehun at Chanyeol sa tenga nila dahil sobrang lakas ng sigaw ni Baekhyun.
"Pero--"-sasabat pa sana si Sehun kaso binuksan na ni Baekhyun ang pintuan.
"Lumabas na kayo Pwede ba!"-masungit na utos ni Baekhyun. Napakamot na lang ng ulo yung tatlo at lumabas na sa kwarto nila.
Napahinga ng malalim si Baekhyun.
"Okay Baek... Isipin mo na lang Bata lang bibihisan mo Hwaiting!"-nagfighting sign pa si Baekhyun bago pumunta sa cabinet at hanapin ang damit ni Arielle.
Nakahanap sya ng White t-shirt at isang pajama.
Lumapit sya sa kama ni Arielle. Mahimbing parin itong natutulog at namamawis narin eto.
Pinagmasdan ni Baekhyun si Arielle mula ulo hanggang paa nito sabay napalunok ng mariin.
"Argh!!! Baekhyun naman! Umayos ka nga!!!"-sinabunutan na ni Baekhyun ang buhok nya dahil hindi nya na alam ang gagawin.
"W-wag na lang akong titingin. Wag kang tumingin! Wag kang tumingin!"-Unti-unting lumapit si Baekhyun kay Arielle at tinanggal nya muna yung necktie nito.
BINABASA MO ANG
Welcome to X.O.X.O High School of Boys [Exo Fanfiction.]
FanficExo Fanfiction. - NetminLee_lovekpop.