ARIELLE P.O.V
"Gusto kita Arielle... Hindi pala Mahal na kita Kim Arielle."
"HAAAH?!!!!!!!!!!!!!!!!"- muntikan na lumuwa yung mata ko dahil sa sobrang gulat sa sinabi ni Chanyeol. Mukha ring nagulat si Chanyeol sa reaction ko.
Sa-sandali! Ano ba to?! Totoo... May gusto saakin si Chanyeol?!
"Ah... Hindi ko naman kailangan ng sagot mo ngayon Arielle gusto ko lang talagang sabihin sayo yung ilang linggo kong kinikimkim na damdamin."-umiwas ng tingin saakin sa Chanyeol saka namula ang mga pisnge nya. Ako din syempre parang lahat ng dugo ko sa paa umakyat papuntang pisnge. O////O
Anong sasabihin ko?!
Hindi kasi ako ready bigla -bigla na lang aamin tong si Chanyeol.
"Hi-Hindi ba Joke lang yun?"-takang tanong ko kay Chanyeol. Bigla naman syang tumingin saakin na napaka seryoso kaya napalunok na lang ako ng mariin.
"Mukha ba kong nagjojoke Arielle?"-tanong nya pabalik saakin. Napaiwas na lang ako ng tingin dahil para naman nya kong susunugin sa tingin nya.
"Si-Sige good night."-bago pa ko makareact bigla na lang kumaripas ng takbo si Chanyeol at naiwan ako rito.
"Parang ang dami atang baliw sa School na to?"-wala sa sarili kong sabi.
-_-
___________________________________________________________________________________________________
AUTHOR P.O.V
Nasa ref si Baekhyun at umiinom ng tubig. Naalimpungatan kasi sya at nakaramdam ng uhaw kaya pumunta muna sya sa kusina para uminom ng tubig.
Bumukas yung front door ng dorm nila kaya napataas ang kilay ni Baekhyun.
"May gising pa?"-tanong ni Baekhyun sa isip nya. Dahil sa gusto nyang malaman kung sino yung pumasok sa dorm nila at gising pa. Pumunta sya sa salas.
Nakita ni Baekhyun si Chanyeol na parang naiihing ewan habang nakatakip yung dalawang kamay nito sa mukha.
"Hoy anong trip yan?"-tanong ni Baekhyun kay Chanyeol na biglang tumigil sa paglalakad-lakad at humarap kay Baekhyun.
"Baek... Umamin na ko..."-sagot ni Chanyeol na pulang-pula ang mukha. Napa nganga naman si Baekhyun dahil dun.
"Shemay! U-Umamin na sya kay Arielle?!"-di makapaniwalang sigaw ni Baekhyun sa isip nya. Kinalma muna ni Baekhyun yung sarili nya bago magtanong ulit kay Chanyeol.
"A-Anong sinabi sayo ni Arielle?"-tanong agad ni Baekhyun. Biglang naiba ang mukha ni Chanyeol na napalitan ng lungkot.
"Wala. Akala pa nga nya nagjojoke ako."-malungkot na sagot ni Chanyeol. Naikinatuwa naman ni Baekhyun. Dahil naisip nyang may chance pa syang umamin din kay Arielle. Ano pa nga bang aasahan ni Baekhyun kay Arielle? Napaka manhid ng babaeng yun. Kaya sa malamang walang irereact ang bwiset na Arielle na yun.
BINABASA MO ANG
Welcome to X.O.X.O High School of Boys [Exo Fanfiction.]
FanfictionExo Fanfiction. - NetminLee_lovekpop.