24.

98 3 4
                                    


ARIELLE P.O.V


DORM

6:OO PM


Dahil sa nakapaskil sa bulletin board lahat ata ng mga tao rito sa X.O.X.O high ay na curious kung sino ba ang nagpapanggap na lalaking student. Nabalitaan din namin na nagalit ang Principal at pinatanggal ang nakapaskil sa bulletin board makakasira daw sa pangalan ng school.

At feeling ko rin na hinahanap na ng Principal yung dahilan kung bakit nagkakagulo ngayon sa X.O.X.O high at syempre yung "Babaeng" nakapasok dito na "AKO" naman talaga yun.

Sa totoo lang, mas natatakot na kong malaman nilang lahat na babae ako kasi baka tingin nila saakin ay maging isang kriminal dahil illegal akong nakapasok rito. Hindi ko naman ginustong makapasok rito na totoong si Ms.Hannah ang pumilit saaking makapasok rito para maka bayad sa utang ng mga magulang ko.

Napa weird talaga ng sitwasyon ko ngayon. Kung may utang kami kay Ms.Hannah dapat pinapahirapan nya ko pero pinapasok nya lang ako sa isang boys school na delikado ngayon ang buhay ko rito.

Hindi kaya si Ms.Hannah yung nag paskil nun?

impossible...

kasi nasa business trip daw si Ms.Hannah sabi ni Mr.Choi.

Baka may inutusan sya?

Mas possible yun. Baka may inutusan si Ms.Hannah na isang taong magpapaskil ng ganun sa bulletin board.

Kailangan ko talagang malaman magpapatulong ako kay Mr.Choi.

"Saan ka pupunta?"-nagulat ako ng biglang may malalim na boses ang nagtanong saakin.
Kaya napalingon ako.

"Chanyeol..."-tawag ko sa pangalan ni Chanyeol. Oo nga pala nasa dorm na kami at nagpapahinga samantalang ako di ako makatulog kakaisip kung anong mangyayari saakin bukas.

"Lalabas ka ba? Wala pa naman yung curfew sama ako."-ngumiti ng malawak saakin si Chanyeol. Napapout naman ako sa isipan ko.

"Pupunta nga ako kay Mr.Choi eh!"-pagpo-protesta ko sa isipan ko. Ay! Bahala na kawawa naman tong si Chanyeol mukhang hindi rin makatulog.

Sa huli, Tumango na lang ako.

"Kaja!"-naglabas muna ng jacket si Chanyeol bago kami lumabas malamig pala kapag kagabi.

Iniwan muna nmin dun sila Luhan,Baekhyun at Sehun natulog na.

"Si Kai nasaan pala hindi ko sya nakita ngayong araw?"-tanong ko kay Chanyeol pagkalabas namin ng dorm.

"Ewan ko ba dun nakita ko pang umaga yung si Kai eh baka nasa Practice room lang yun. Mamaya rin uuwi yun."-sagot ni Chanyeol. Nagtaka naman ako.

Practice room?

Parang ngayon ko lang nalaman yun...


"Hindi mo alam yung Practice room no?"-mapang-asar na tanong saakin ni Chanyeol kaya natawa ko ng kaunti sabay umiling.

"Kasali si Kai sa Dance club minsan tambayan nya talaga yung practice room dito kaya kapag nawawala si Kai o hindi umuuwi sa dorm nandun lang yun."-pagkukwento ni Chanyeol.

Ah... Kaya pala akala ko kasi naglayas na si Kai dahil sa nalaman nya yung secret ko.

Masyado namang OA yun Arielle kung naglayas si Kai. Galit lang talaga si Kai saakin.

Welcome to X.O.X.O High School of Boys [Exo Fanfiction.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon