|| IMBY 5 || PART 3 ||

26 5 0
                                    

|| A/N: Wassup guys? Part 3 na itey. So meaning, kung pa'no sila nag-break, okay? lol. ||

From: Jace my forever <3
Punta ka sa Park mamya, 2:00. May mahalaga akong sasabihin sa'yo.

Ano naman kaya iyon?

OMGOSH. 'Wag mong sabihin, papakasalan niya na ako? OMOOO! Nag-reply na kaagad ako sa kanya.

To: Jace my Forever <3
Sige! Bye! I love you, Jace!

|| After 18 minutes ||

Huh? Ba't ganon 'di man lang siya nagreply ng 'I Love You Too'? Dati after 1 minute nag rereply na kaagad siya eh. Eh ngayon? 18 minutes na ang nakakalipas!

Ay baka nawalan lang ng load. Tama. Oo! Nawalan siya ng load.

Anong oras na ba ngayon? Nakita ko sa watch ko na it's 2:30 na pala.

Kaya nag-prepare na ako then nag-drive papuntang park.

"Hi Jace!" Tawag ko sa kanya. Wala naman kasi kaming mga name na tinatawag sa isa't isa eh. Super ayaw niya daw kasi eh.

"We need to break up." A-ano? Break up? B-bakit?

"W-what?"

"I said we need to break up!" Sigaw niya.

"Alam ko! Narinig ko! Pero bakit?! Bakit tayo mag-b-break? Ha? Give me a valid reason!"

"Mag-ma-migrate kami ni mom papunta sa Italy, Venice." Walang emosyong sabi niya.

"A-ano? Bakit? Para sa-saan? Pwede b-bang 'wag ka nalang sumama?" Pahagulgol kong sabi.

"Kaylangan kong sumama para kay Mom. Dahil ako nalang yung natitirang pamilya niya. Aalis narin kami mamya."

May iba ba siya? Mahal pa ba niya ako? Kaylangan pa ba nilang umalis ng bansa? Kung pwede naman dito nalang sa Pilipinas? Bakit ba parang wala lang sa kanya na mag break kami? Bakit 'di niya man lang sinabi sakin na aalis na siya? Bakit ang saki?!

"And besides, I DON'T love you anymore." Sabi niya sabay walk out.

He don't love me anymore?

Biglang umulan ng malakas. Wow. Nakisabay pa talaga ang panahon sakin 'no?

Bakit ba ang sakit?!

|| After 1 year ||

18 na ako ngayon. Kakatapos lang ng birthday ko kahapon. September 28 na ngayon.

1 year narin ang nakalipas since nag break kami ni Jace. 'Di pa masyadong naghihilom ang sugat sa puso ko ngayon. Pero I'm helping myself to.

1 year narin since umalis si Jace papuntang Italy.

Nang malaman ng family ko yung nangyari samin ni Jace at yong pagbreak niya sakin, nagalit ng sobra si Kuya kay Jace. Kinausap niya si Jace sa Skype si Jace at palagi ko naririnig sila nagsisigawan. Ewan ko rin kung bakit. Siguro dahil narin sakin.

Naglalakad ako ngayon papunta sa isang convenient store para bumili ng pagkain ice cream.

Nagbabayad na ako sa cashier ng may nakita akong familiar na lalaki na may kahalikan na familiar ring babae.

"Jace? Rowena?" Bulong ko.

Tama nga ako nang hinala. Sila nga.

Pagkakuha ko ng ice cream na binili ko ay pumunta ako sa kanila.

"Wow. Jace. It's nice meeting you. All this time pala niloko mo? Diyan pa sa babaeng sinabi mo sakin na pinakaayaw mo? Manloloko ka pala eh! Ta's sinabi mo pa sakin na pupunta kang Italy?!" Sigaw ko sa magaling kong ex.

"Oh. Hi Jas. Haha oo. Kami na ni Babe Rowena *sabay kiss sa right cheek* Hindi totoo na ayaw ko kay Rowena. The more you hate the more you love nga diba? Haha. Ba't naman ako pupunta sa Italy? Para alagaan mom ko? 'Di ba sinabi ko na nga sa'yo dati na wala na akong pamilya? Inulila na nila ako? Napaka-tanga mo kasi eh. Hindi ka man lang nagiisip! Buti nalang pala nakipag-break ako sa'yo! HAHAHAH! Bye moron." Sabi niya.

"Bye sucker!" Sabi ni Rowena na kanina pa tahimik.

All this time? Nasa Pilipinas lang pala siya? Bat 'di ko man lang siya nakita? Ba't ba ang tanga ko? Ba't late ko na narealize na wala na pala siyang pamilya? Ang manloloko niya! Super! Ugh!

"Someday I'll take my revenge." Sabi ko sa sarili ko.

|| end of flashback ||

Ayan yung mga nangyari samin ni Jace. Kung pa'no kami nag-kakilala, pa'no ko siya sinagot, at pa'no kami nag-break.

Hindi man lang ako nakapag-revenge sa kanya. Dahil hindi ko na siya nakikita. And wala na rin akong plano na mag-revenge sa kanya. Let him be. Karma nalang ang gagawa sa kanya.

|| A/N: Hey, yo, guys, kamusta naman? Sana nagustuhan niyoooo! Sobrang cliché ba? Sowwi na! Haha. Wala na ako ibang naisip eh. :( Sowwi na talaga. || A/N 2: Vote and Comment guys! ||

It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon