ii

1.4K 29 3
                                    


R E H E A R S A L
Her POV


March 23, 2016

I know everything about that message is true. I've fainted and been hospitalized a lot of times. No one knows it though. They think I'm just not eating my breakfast kaya ganun, even my best friend thought so. Dad died after I've been admitted in the hospital. He died because of the thought of me being sick.

I stopped midway of the semester dahil sa sakit ko and also the debts I have to work on. It's been years after my best friend Kyle flew to Canada. And I'm currently in 2nd year in Fantagio Academy. And I guess I'm the only one who's left out among the batch. Ilang taon na rin kasi ang nasayang ko mula nung nag stop akong mag aral. Kaya malamang marami nanaman akong makukuhang atensyon dahil ang tanda ko na, tapos ngayon lang ako mag aaral ulit.

I am left alone. Wala na si papa. And the only thing left with me is the remaining two wishes. Napaka imposible naman kung ang hihilingin ko ay mabuhay ulit sila. Because I am in the real world. No magic. No fairies. And no such thing as powers, And the only thing I can do is to accept things.

Alam kong bilang na rin ang aking oras dito sa lupa. At kukunin na rin ako. Akala ko pag hiniling kong magkasakit ako ay magiging malaya na ako. Yes, I am free. No family. No rules and regulations of them. Yet this isn't what I wanted. Siguro nga at pinanganak akong malas sa buhay. Walang pag asa. Wala na. Hindi ko alam kung sisisihin ko ba ang librong nabasa ko at ang panaginip ko o ako. Ako rin naman kasi ang may gusto nito. I tried not knowing what will be the risks if doing so.

"Uy! Ateng lutang ka nanaman! Gising!" Nagulat ako sa matinis na boses ni Zandara na nagpabalik sakin sa katinuan. Siya ang new best friend ko since yung dati kong kaibigang si Kyle ay siguro nakapagtapos na.

"Sorry" natatawa kong saad. Kasalukuyan kaming nasa cafeteria dahil sa di daw kayang tiisin ni Zy na hindi kumain. And nagkataon rin na maraming gagawin ang mga teachers sa darating na battle of the bands na gaganapin bukas kaya 3 hours no class. Ilang minuto palang ang nakalilipas at wala pa sa kalahating oras ang nasasayang namin.

"Kumain ka nga diyan! Ang payat mo na seryoso." Komento niya at tumingin sa katawan kong sobrang payat na.

"Wag ka na nga lang makialam! Di kasi ako katulad mo na sa sobrang sexy puro butas na yung mga damit na gamit mo no!" Pang iinis ko sa kanya. Pero ang totoo niyan, ako rin ay nag aalala sa kapayatan ko. Naiinggit nga ako sakanya dahil ang ganda ng hubog ng kanyang katawan kahit gahaman yan sa pagkain.

"Pffftttt. Kainis to." Sabi niya at tumawa. Tumawa na rin ako dahil ang imba ng tawa niya. Parang tunog

"Yan! Alam mo palang tumawa eh bat ngayon mo lang nagawa." Agad ko siyang binatukan dahil nakuha niya na ang atensyon ng iba sa canteen.

"Palagi ka nalang kasing lutang eh. Seriously what's wrong?" Ngumiti lang ako at umiling. Hindi naman niya kailangang malaman pa.

"Sorry." I can't tell you yet

"Okay okay I understand. Pero kung meron mang dahilan, tell me the soonest. That's a promise ah." Sabi niya at nagpatuloy sa pagkain.

"Okay." I hugged her tight at nagpaalam mag cr. Feel ko drained na drained ako from trying to keep my facade wrecked over my emotions. Tapos it really have to take a lot of effort to keep it up again. Like nothing happened. But even if I let these walls collapsed, nobody cares. No one dares.

Nabalik ako sa realidad dahil sa ingay. Lumingon ako para makita yun and it's the band members ng sikat na banda sa school. Na biglang huminto sa harap ko.

"We've been searching for you throughout the campus! Saan ka ba nanggaling?" Sabi ni Dave, kabatchmate ko at isang sikat na drummer habang hingal ng hingal parin.

"Huh? Bakit?"

"May practice tayo ngayon, for pete's sake Hailey!" Sabi ni Dave also known as the lead guitarist of The Last Planet.

Ang init talaga ng ulo niya palagi. Ang sarap kutusan kung di ko lang talaga to kabanda.

"..." bigla nalang akong napahawak sa mukha ko sa katangahan. I forgot. May practice nga pala kami for the Battle of the bands. At bukas na pala iyon.

Andito na kami sa music room at hinahanda ang mga instruments na dapat gamitin habang ako naman ay umupo at binuksan yung laptop. Kailangan ko pang mag survey ng mga songs na pwedeng kantahin bukas. Agad ko namang minessage si Zy na mauna na umuwi dahil malelate kami.

Nang matapos na silang makapag ayos ay nag announce muna ako.

"About the songs. I need also your approval and suggestions. Yung mga nakita kong maraming feedbacks ay mostly songs ng mga sikat. Is it okay if we choose the latter which is hindi pa sikat pero striking yung lyric if we put emotions into that." Komento ko . Napatango naman ang lahat at nag isip.

"Watercolors by Will Jay ang isa sa naisip ko. Okay lang ba?" Tanong ko at pinatugtog yung kanta. Ngumiti naman ang iba at tumango.

"Okay na yan." Sabi ni Aki, ang leader namin at drummer. Kaedad ko lang siya kaso higher year siya saakin. Nagtetake ng medicine kaya hindi pa grumaduate.

....

"Good Job Guys! And nga pala Hailey, don't drink cold water. Napapansin kong humina na yung boses mo." Paliwanag ni Aki at ngumiti.

"Uhh. Ok." Sagot ko kaya nagpatuloy ulit kami sa pageensayo.

....

"Nice! And I guess let's call it a day! Alam kong konti palang ito but I think we need some rest. May time pa naman tayo bukas." Nakangiti niyang pahayag.

I really need some rest for today, sobrang daming bagay ang iniisip ko and any time baka sasabog na utak ko.

Nakakainis, nanghihina nanaman ako.

"Kaya mo to Hailey. Bukas na ito, ngayon ka pa ba susuko?"

-------
Vote and comment!
~All Rights Reserved~

Her Last WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon