The Last Chapter

1.6K 26 11
                                    

NO PROOFREAD

<><><><><>
"She lied."
<><><><><>

Gabie's POV

Shit. Bakit ba nangyari sakanya ito?!

"Hailey naman. Please gumising ka." Pagmamakaawa ko sa katabi ko kahit wala naman siyang naririnig. Kanina lang ay ang saya saya namin, bakit ba dumating sa punto na may ganitong mangyayari? I guess tama nga sila, kung kailan sobrang saya mo may mangyayaring masama.

Ang hirap mo namang pakitunguhan, tadhana.

 
Biglang tumawag sina mama kaya agad ko munang sinagot.

"Gabriel. N-nasaan ka anak?" Si papa ang bumungad sakin sa tawag at mas lalo akong kinabahan dahil alam kong umiiyak si dad. Ano na naman ba ngayon?

"Bakit? I'm out. What..happened?" Paputol putol kong tanong dahil doble nang kaba yung nararamdaman ko.

"Your mom is in the emergency room. Naaksidente siya." Pagkatapos niyang sabihin yun ay mas lalo rin akong nataranta. Kung ano man pwedeng mangyari, hindi yun pwede.

"General Hospital." Yun na lang yung sinabi bago niya binaba. Agad akong dumiretso dun dahil kailangan ko ring itakbo si Hailey. Ilang minuto rin bago kami nakarating sa hospital. Agad ko nang tinakbo si Hailey at pumunta sa kabilang side para puntahan si dad.

"Dad..." bungad ko sakanya at yinakap. Nanginginig na siya at walang tigil na umiiyak. Nung yinakap niya na ako pabalik, dun na ako nakaramdam ng pagsikip sa dibdib. Ang hirap huminga.

Really Fate? Two persons at a time?

"Where's mom? Is she okay?" Tanong ko pero wala akong nakuhang sagot sakanya.

Ilang oras rin ang lumipas bago dumating yung doctor na naghandle kay mom.

"Ano nang resulta doc?" Tanong ko at parang nabawasan yung sakit sa dibdib ko nung ngumiti siya.

She's saved. One more person to go.


"Gab. Ilang minutes na lang, magstastart na yung kasal. Halika na." Paulit ulit na saad ni Ella sakin. Ilang minuto na lang talaga at malelate na ako sa kasal.

Andito ako ngayon sa may bahay ni Hailey.

Hindi ko alam. Pero kaugalian ko nang bumisita dito. Pag may araw man na hindi ako nakadalaw sa bahay nila. At tingnan kung maayos. Pupunta ako kinabukasan at mag iistay. Ganun palagi ang routine ko. And this time ito siguro ang last day ko sa bahay na ito. Sinusulit ko.

Napabuntong hininga nalang ako at napilitang magpahatak kay Ella paalis. Pero bigla kong nasagi yung picture frame sa bedside table ni Hailey. Picture naming dalawa.

Nabasag ko pa. Pinulot ko na lang at balak kong iayos nalang pagbalik ko kaso pagka pulot ko ng mga ilang basag na salamin ay may nadulas na papel sa likod ng picture.

My last wish

Palagi kong pangarap na mahalin ako pabalik ng taong mahal ko. Sino ba namang hindi diba? Pero nung bumalik siya narealize ko, may mga bagay na hindi ko maabot kahit anong gawin ko. At siguro isa na siya doon.

I dreamed of having three wishes. Tri-ny ko, naging totoo. Kaso hindi ko na alam kung ano ang last wish ko. Ang hirap na ng sitwasyon. Pinakumplikado ko pa kasi.

Siguro pag hindi ko hiniling na magkasakit ako, mas okay pa. Pero syempre okay lang, wala rin naman nang magagawa yung pagsisisi ko. Last ko na ito eh.

Lord, mahirap pero ikaw na bahala. Okay na ako kung kunin mo na ako kahit what time pa. Hahaha. Masaya na ako. Pero mas sasaya ako kung matutupad itong huling hiling ko.

Makita kong makasal siya.

"Buhay siya?!" (A/N: yes.)
 

  
Love lots!Vomment!👍🏻✍🏻

~All Rights Reserved~

Completed: April 06, 2017
CTTA: wordsthatlie

Her Last WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon