Chapter 3 Part 2

788 29 0
                                    


-------
I fell in your eyes but they don't know me yet. But I didn't know 'they once saw me too' you said.
-------

8:56 AM

Ilang buntong hininga na ang nagawa ko kanina pa. The thought of not performing in front of the crowd makes me upset. Lalo na at kaming lahat sa banda ay nagpursigi. 

"Tahan na." sabi lang ni Dave kay Freya na kanina pa umiiyak.

It's actually time for the contest kaso andito lang kami sa may gilid ng back stage. I'm actually planning on something kaso nga lang I can't talk to the organizer as well as Ms. Ams. Hindi ko rin nasasabi pa sa iba.

Agad na tumunod sa may backstage serving as a signal to everyone na magsisimula na. Agad namang sumingit ang isang banda samin. And by that, nagkaroon ako ng chance na makapunta sa organizer at kausapin siya.

"Kuya." pag aagaw ko ng atenyon ng nasa may malapit sa stage kaso sinabihan niya akong umalis muna dahil kailangan niyang asikasuhin ang kakailanganin ata ng unang banda. 

"This has something to do about this. So please?" pagpapaliwanag ko sakanya na nagpatigil sa kanya sa ginagawa niya.

"What is it?" tanong niya at tumingin sakin at ngayon ay ako naman ang napatigil. He's here.

"Uhm. Nothing. i t-thought.." yun nalang ang nasabi ko dahil napangisi siya saakin.

"I didn't know you're still like this, Hailey. Remember me?" mas lalong lumaki ang ngisi niya. Agad naman akong tumango at ngumiti. Kilala niya ako.

"About kanina, what is it?" Halos pasigaw niya ng sinabi dahil nagsisimula na. At kailangan niya ng umalis. Kaya agad kong sinigaw ang kailangan ko sakanya.


"We'll perform. And I need you to do me a favor." 


Halos patapos na ang contest at mas lalo akong kinakabahan. At habang palakas na ng palakas ang hiyawan ng mga tao ay mas lalong nangangatog yung tuhod ko. I don't know if he'll accept my request. Pero sana.


"And that was the Last performance for this competition. And after a few minutes, malalaman narin natin kung sino ang panalo ngayong araw na ito!--" narinig ko nalang na nag announce na si Maam na tapos na ang kumpetisyon pero biglang sumikip ang puso ko dahil sa saya. 

Because He interrupted.

"But I'm afraid not. There is still one more band to perform for today." ang sabi niya na nagpangiti sa akin. Agad akong tumingin sa mga kabanda ko na halatang gulat at hinatak sila papunta sa stage.


"Representing this school." 


"That was a breathtaking performance, Hailey. I didn't expect it to be your last time to perform. Kaso nga lang hindi talaga kayo kasali kaya hindi kayo nanalo." pagpuna ni Dara at yinakap ako. Napangiti nalang ako. Me too. I didn't expect to be this great in performing for the last time in front of the crowd. And in front of him. 

Hinigit naman ako ni Aki at yinakap rin ako. I hugged him back kaso parang nasamid ako sa pagsinghap kaya napabitaw ako sa yakap. Agad akong naubo kaya nagpaalam muna ako. Pumunta ako sa backstage na nakatakip parin sa ilong ko. 

Nang nakarating ako sa may bandang sulok ay napatigil ako dahil naubo nanaman ako na sinundan naman ng pagtulo ng dugo. 


Inaatake nanaman ata ako.




Please like and comment!

~All Rights Reserved~

Her Last WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon