"Spend your life doing strange things with weird people"Great date but..
Hailey's POV
.
Mga ilang minuto rin akong umidlip dahil naalimpungatan ako sa pag patay ng makina nung sasakyan. Tiningnan ko naman kung nasaan kami at napagtanto kong nasa amusement park pala kami.Abandoned Amusement Park rather.
"Why..." did you know I love abandoned places? Agad ko namang liningon si Kyle na tinitingnan ako. Lihim naman akong napangisi sa nakita kong reaksyon sa tanong ko.
"Why are we here?" I throw him a disgusted look trying my best not to fail my plan. His face turned red which makes me laugh. Sobrang epic ng mukha niya.
"Akala ko pa naman di mo gusto. Nahiya ako bigla." Agad naman siyang nakitawa sa akin.
"I do love it. First time! Anyways, paano mo nalaman na gusto ko to?" I asked. Kasi di rin alam ni Dara na gusto ko ang mga ganitong lugar kaya sa mall palagi ang punta namin. So imposibleng nalaman niya yun kay Dara.
"Well, I remembered your exact words when you introduced yourself - Don't expect me to be like a go-to-mall girl. I'd rather see abandoned places than crowded one." He winks. Naalala niya parin pala iyon.
Ngumiti lang ako sakanya saka bumaba. People may find it weird but first date in Abandoned Park is perfect for me. Dahan dahan naman akong naglakad papunta sa may entrance baka makaistorbo ako.
Di pa naman masyado sira lahat ng bagay dito. Yung iba sira na talaga pero yung rides pwede pa daw. Kumbaga isa itong newly Abandoned Amusement Park. At pwede kaming makapasok dito kasi sa kuya ito ni Gabie. Yung kuya niya kasi ay nag migrate na at wala nang mag aalaga yang pinatayo nila. Sayang nga eh pwede pa sanang pagkakitaan.
Naunang naglakad si Gabie at sinundan ko naman. Pumunta siya sa may isang maliit na building. Medyo madilim pero sinundan ko parin siya. Nakita ko naman siyang kinakalikot ang kung ano dun at bigla nalang bumukas lahat ng ilaw. Main switch pala yun. Inaya niya naman akong sumakay ng mga rides. Not the dangerous one. Baka daw kasi komplikado na.
Ilang oras rin kaming naglibot at umalis narin pagkatapos patayin yung switch. Sabi kasi ni Gabie na meron pa kaming pupuntahan bago kami manood. Ilang minuto kaming nagbyahe ulit at sa isang famous arcade kami pumunta. Ang saya! Masaya akong pumasok sa loob nun at konti lang ang taong naglalaro. Ang ganda!
Bigla nalang akong hinawakan ni Kyle sa may pulsuhan at hinatak papunta sa toy crane.
"Anong gusto mong kunin ko diyan?" Tanong niya sabay turo sa mga laruan sa loob. Ang hirap kaya maglaro niyan. Para ngang may daya yan eh! Pero sinakyan ko naman yung trip niya at sinabing yung rabbit na naka thick glasses. Gusto ko lahat basta may eyeglasses.
Sinubukan niya naman pero nakailang try na siya, wala parin. Tawa't iling nalang ang nagawa ko dahil sobra siyang focus sa paglalaro. Ilang minuto, naisipan kong ivideo siya nang di niya alam. Natigil naman akong tumawa nang tumingin siya sa direksyon ko at nagpout. Ohmay! Buti hindi ko pa napapatay yung camera kaya navideo ko yung part na iyon!
"One last..." Sabi niya pa. Determinado talaga siyang kunin iyon.
"Nakakailang one last ka na Gabie. Hahaha. Tama na. May daya kasi yan." Pagtitigil ko sakanya kasi wala talaga. Hindi na ako umaasang makuha niya iyon.
BINABASA MO ANG
Her Last Wish
Short StoryIf she feels pain, she knows she's still alive. COMPLETED ✅