Chapter 6 Part 1

810 20 0
                                    





The second wish

'Please be a Good Day'

Hailey's POV

 
Nagising ako ng maaga sa sobrang lakas ng hilik ng best friend ko. It's wednesday kaya di ko ginising si Dara at bumangon muna ako para pumunta muna sa labas. Magpapahangin, ayoko ko kasi yung amoy ng hospital. Yung tipong alcohol at gamot na nahalo ang amoy. Nakakahilo.

Agad kong naramdaman yung malamig na hangin pagkalabas ko. Pumunta ako sa may bandang garden kung saan makikita ko yung sunrise. Ang sarap ng pakiramdam ng hindi ako napapalibutan ng puting pader o yung amoy ng ospital. I've been staying for years on hospitals nung nacoma si mama and noong na confine si papa and it sucks. Kumbaga hospitals are my second home rather than school.

Pero ang tanga ko, dito rin pala ang bagsak ko.

Konti lang ang tao dito dahil masyado pang maaga. Umupo ako sa isang bench. At fineel yung malamig na hangin sa balat ko. Naramdaman kong may tumabi sakin and I felt an urge to look.

Hindi pamilyar. But in that direction, nakita ko si Gabie. Hugging someone. The particular person that been shipped with him. A famous girl named Ella.

Naramdaman ko na lang na umiinit yung sulok ng mga mata ko. Meant to be nga sila. Nakakainis. Nakakainis si Ella.

..
"Risking my second wish for just a great day, Lord." bulong ko. Wala na. I've lost. Ayoko na kasi. Gusto ko ng magandang araw ngayon. It's our date. And I dont want her to ruin it.
..

Tumayo na ako at pumasok na para bumalik. Dumiretso ako papunta sa room pero ginamit ko ang hagdanan dahil second floor lang naman yung room ko. Kaya nung nakarating na ako sa tapat ng room, sumilip ako. At naabutan ko sina Gabie and Dara na natataranta. Binuksan ko naman kaso dahan dahan lang.

"Anong meron?" Tanong ko. Yung mukha kasi nila parang ewan. Gabie dialing someone and Dara looking for something sa ilalim ng bed. After nun napatingin na sila sa akin. Bigla naman akong niyakap ni Dara habang si Gabie just facepalmed.

"What da heck Hailey! Pinag alala mo kami alam mo ba yun, I thought you're missing." Yinuyugyog niya pa ako habang sinsabi yan.

"Eh malay ko bang dito lang sa room kayo maghahanap. Posible akong lumabas, haler?" Natatawa kong tanong sa kanya. Nakakatawa kasi. Bakit naman ako magtatago sa ilalim ng higaan. My sayad talaga ata tong best friend ko.

"Ehhhhh nakakaasar ka naman eh. Alam mo namang mahirap mag sink in lahat sa utak ko."

"May utak ka nga ba?"

"Excuse me!"

"Ehem" pagpapapansin ni Gabie. Ngayon ko lang naalala na meron pala siya.

"Diba pwede ka nang makauwi ngayon sabi ng doktor?" Tanong niya. Oo nga pala, kailangan na naming umalis at kailangan ko ring bayaran gastos dito. Wala nanaman ipon ko. Kailangan ko nanamang makahanap ng part time job.

"Yep. Sige magaayos lang ako tsaka alis na tayo." Nakangiti kong saad sabay punta sa cr. After kong makapag ayos at magpalit ay umalis na kami. Tinanong ko naman sa nurse na incharge kung meron bang babayaran pero wala naman daw kailangang bayaran dahil si Tita Zoey - Zandara's Mom - paid the expenses. Agad naman akong nagpasalamat kay Dara dahil dun.

After nun. Hinatid naman kami ni Gabie sa kanya kanyang bahay dahil dala niya yung sasakyan niya at he insisted. Habang nasa sasakyan kami, napansin kong parang wala ata kami sa way papuntang bahay namin. Katatapos lang kasing maihatid si Dara sa bahay nila kaya ako nalang ang di pa nakakauwi. Hindi kasi pamilyar ang daan na hinahatak namin. Meron namang mga bahay pero I think we're not in downtown anymore.

"Hindi ito ang daan papunta sa bahay namin Gabie." Pagpapaalala ko sakanya. Pero ngiti lamang ang natanggap ko sakanya at tahimik paring nagdradrive papunta sa kung saan. After 10 minutes of waiting for an answer agad naman itong nagsalita.

"It's our date, diba? So We're going to somewhere you'll love. Basta stay put and let me drive you there." Masaya niyang paliwanag. Nanatili nalang akong tahimik at tumingin sa labas. Oo nga pala, date namin ngayon.

Sa sobrang awkward ng atmosphere, nababa ko nalang yung window. At hinayaan kong magulo yung buhok ko dahil sa hangin. Nakatuon lang ang atensyon ko sa may labas kasi nakakahiya. Ayokong makita niyang namumula ako dahil sa kantang plineplay ng radio. Agad niya ring binaba yung sa window part niya at pinatay yung aircon.

"Pesteng  Out of my League yan!"

It's his hair and his eyes today
That just simply takes me away
And the feeling that I'm falling further in love
makes me shiver but in a good way

Agad naman siyang nakisali sa kanta. I closed my eyes as if cherishing the moment. And finefeel na ako yung tinutukoy niya sa kanta. Kahit si Ella naman talaga.

All the times I have sat and stared
As she thoughtfully thumbs through her hair
As she purses her lips, bats her eyes as she plays,
with me sitting there slack-jawed and nothing to say

Tiningnan ko na siya that time na nakatingin parin sa daan. Ang ganda lang talaga ng boses niya.

Cause I love her with all that I am
And my voice shakes along with my hands
Cause she's all that I see
And she's all that I need
and I'm out of my league once again.

"Alam mo ba, minsan naiinis ako sa kantang yan. It makes me realize she's way too good for me." Paliwanag niya kaya napatingin ako sakanya. Actually ako rin naman naiinis sa lyrics. Ang sarap niyang abutin pero hindi ko lang talaga siya deserve.

"Ahhh. Sige you go take a nap. 1 hour pa para makapunta dun." Sinunod ko naman dahil dinalaw ako ng antok. Dahil narin siguro ang aga kong nagising.

"Actually gusto ko na nga sabihin---" yan nalang ang narinig ko sa kanya bago ako nakatulog.

Love lots!

Vomment!👍🏻✍🏻

~All Rights Reserved~

Her Last WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon