Chapter 34

28 0 0
                                    


"Bakit nga,bat mo tinatanong?."Rio.

"Gusto lang kitang ayaing mag picnik don sa may kila Sandy,mayron daw roong malapit na lake, pag-aari nila,pinakita niya sakin kahapon yong view,ang ganda,tsaka nagpaalam na ako kina Dad,payag naman sila.."-Sabi ko.

"Asos..ang sweet naman ng girlfriend ko,may kasalan ka no.."Napalunok ako sa sinabi niya,mayron nga ba?

"A,wala ha,bawal bang ako naman ang mag-aya?."-Tanong ko,umiling siya at tumango.

"What time ba?para naman makapaghanda ako.."-Rio,at inayos ang polo niya.

"Sabi kasi ni Sandy,maghapong presko naman daw don,bukod kasi sa makahoy doon mahangin din.."-Sabi ko.

"Sege ba,sandali lang pala loves,kunin ko lang yong porfolio ko sa locker ko,isa-submit ko lang sa office ni Ma'am Madela.."-Rio,si ma'am Madela ang History teacher namin.

"Ah ok,mauna na ako sa classroom,may sasagutan pa pala ako sa Math,yong assignment natin,di ko nasagutan kagabe.."Pinindot niya ilong ko.

"AyeaaH,panu kasi pinag-iisip mo ako,alam mo namang sayo lang ako.."-Sabi niya at tumayo na,lunch break namin ngayon,at nakatambay dito sa kubo ng school..

.
.
.

Habang naglalakad ako,may sumipol sakin ng lingonin ko,yong CASSANOVA PRINCE ng Campus namin,pero gwapo at matalino,katunayan,siya ang Top one namin,pero usap-usapan na gangster siya.

Agad akong nagpatuloy ng paglalakad.

"Ms.Tausama!."Tawag niya at naramdaman kong sumunod siya,pero natural lang ang lakad ko,di ako nagmadali.

"Grabe naman,snob talaga? nga pala,sayo yata to.."Kinuha niya ang kamay ko at nilagay ang isang maliit na box na kulay black.

"Tsk,nice talking,ang ganda mo talaga,kahit di ka tumatawa.."Sabay kindat niya,see?babaero.

"Wala akong ganto ok."Sabi ko at binato sakanya ang maliit na box,sinalo niya naman,parang lalagyan siya ng singsing,square shape.

"Tsk! sayo nga yan!."Kinuha na naman niya ang kamay ko,at nilagay don.

"Open it!."Utos niya,ginawa ko naman,isang necklace na may pendant na white rose na may iisang dahon na kulay green,at may maliit na papel.

"Hoy di nga sa-"Pagtingin ko sa kinatatayuan ni Stanlee ,wala na siya,nagpalingon-lingon pa ko,pero wala na siya,biglang nag-vivrate ang phone ko sa bulsa kaya kinuha ko.

"UNKNOWN NUMBER?.?."Biglang nasabi ko ng icheck ko wala siyang number,pero UNKNOWN ang lumalabas sa phone ko,nagulat ako,imposibleng walang number.

Imbis na tingnan ko ang message,kinalikot ko kung panung walang lumalabas na number,pero unknown lang talaga ang lumalabas,kaya bumalik ako sa messages.

[FROM: UNKNOWN NUMBER
Nagustohan mo? diba yan ang favorite mong flower? pinagawa ko yan,sana makita kong isuot mo..]

[FROM: UNKNOWN NUMBER
Sinu hinahanap mo? si Stanlee? huwag kang magpalingon-lingon,para kang nawawala..]

Nagulat ako kaya napasandal ako sa pader,na mahigpit ang hawak sa cellphone.

"Love..ok ka lang?.."-Rio

"Ah!."Gulat kong reaction sa presensya ni Rio.

"Woi,namumutla ka Loves,anung nangyari?."Napasinghap ako sa tanong niya at hinanap ang box na may kwentas,pero di ko malaman kong san ko nilagay.

"Kasi kanina,may binigay si Stanlee na anu,yong box na may kwentas,tapos may nagtext sakin,tama may nagtext sakin*kalikot ng phone* andito lang yon kanina,wala siyang number,pero wala na,di ko yon inerase.."Taranta kong hinanap sa inbox ko ang message pero wala na,halos magkandahulog-hulog na ang phone ko sa panginginig ko,kasi basta ewan.

"Woy loves! loves,kalma,relax,anu bang sinasabi mo? walang box,anu ba yang hinahanap mo sa phone mo?."Kinuha niya ang phone ko at niyakap ako,kaya medyu kumalma ako.

"Tsk,anu bang hinahanap mo dito?."Sabi niya at tiningnan ang phone ko.

"Meron yon,di ko pa yon nadedelete! may nagtext.."Sabi ko.

.
.

"A,salamat hijo,sege ako ng bahala sakanya,baka nilalagnat lang siya.."-Yaya

"Di ako nilalagnat,wala akong sakit,totoo yong sinasabi ko,di ka ba naniniwala?."Tanong ko ki Rio,pero niyakap niya lang ako.

"Sege na,magpahinga kana,ako ng bahalang mag-excuse sayo sa teachers natin this afternoon.."Hinatid kasi ako ni Rio sa bahay,di niya ako pinaniniwalaan,di rin mawala sa isipan ko yong nagtext sakin.

*SA KWARTO KO*

Napatingin ako sa phone kong nasa lamesita ko ng magvivrate.

Kinuha ko at agad tiningnan.

[FROM: UNKNOWN NUMBER
Please calm-down, ako lang to,si Braze,bat ka umuwi?.ok ka lang ba?."]

Nagulat ako sa nabasa ko,tapos nag vivrate uli ang phone ko.

[FROM: UNKNOWN NUMBER
Pwede ba tayong magdinner mamaya? or can i call you now,para maniwala kang ako to si Braze..]

Agad akong nagtype ng.

[ME:
Ok tawag ka.]

Agad na nagring ang phone ko,kakasend ko lang ng message a.

"Ako to,may system lang akong naimbinto,buti at effective,nagustohan mo ba yong necklace?."Sabi niya sa kabilang linya.

Lumunok muna ako bago nagsalita.

"Pa-panu mo yan nagawa? tsaka,nawawala yong box."Kinakabahan kong sabi.

"Ha? anu yang hawak mo?."Napatingin ako sa kamay ko,naitapon ko ang maliit na box.

"Woy,grabe,ayaw mo niyan? bat mo tinapon?."Lalo akong nagulat na alam niya ang ginawa ko na para bang pinanunuod niya ako.

Inalis ko sa tenga ko ang phone ko,at nilayo sakin,bigla akong kinabahan,natakot,ewan,halo-halo.

Ilang minuto kung tinitigan ang phone ko,pero napatalon ako sa kama ng may nagsalita.

''Ang weird mo,ako lang sabi to,tsk,sege na nga,ibaba ko na to,ayaw mo naman akong kausapin.."-mula sa phone ko.

"Si-sinu ka ba talaga?.magpakita ka! bat mo alam ang galaw ko?."-Sigaw ko at napatakip sa tenga ko sa takot ang sagot niya biglang bumukas ang salamin na pinto ng terrace ko dito sa kwarto.

At lumabas si Stanlee,tumakbo ako papunta sa pinto ,pero di ko mabuksan ,napaharap ako ki Stanlee.

"Huwag kang lalapit!."Sabi ko at inihanda ang flying kick ko,pero naupo lang siya sa kama ko.

Adult Potion  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon