Chapter 52

22 0 0
                                    


Matapos ang lahat na nangyari,maraming nagbago sa buhay nina Braze at Akira, si Akira na nagka-amnesia,napapaniwala ni Rio sakanyang mga kasinungalingan,unti-unti,napapatanong at napapaisip na rin si Akira,kung ganong Rio ba talaga ang mahal niya noon? Imbis na suportahan siya ni Rio,puro hinala si Rio na ngayon nasa U.S nakatira,dahil sa hindi pwedeng manatili dito sa Pinas ang kanyang ama,na ngayon mataas na ang katungkulan sa Pulitika,dahil na rin sa isyu na namatay siya na dinonate ang puso sa isang taong nangangailangan ng heart donor(si Pam,pamangkin ni Braze) pero nagkamali ang lahat dahil si Stanlee ang naging heart donor ni Pam.

Si Braze naman, ganap na varsity na siya,sikat,matalino,scholar,may nakalimutan ba akong katangian niya? hummmm..tuloy.. paminsan-minsan rumaraket sa pagkanta ,para sa kanyang pag-aaral,pinabayaan at tinakwil na nga talaga siya ng kanyang ama na ang buhay ay ang negosyo't pera.

Nakakarecover na rin si Braze, sa hirap na makasalamuha ang kanyang minamahal na si Akira, nahuhulog na siya sa kakulitan ni Yael,nakikita niya si Akira ki Yael. (so...hindi dahil sa kung sinu at anu si Yael? araaay...) ganon din si Yael, simula pa lang,may paghanga na siya ki Braze,masaya na si Braze (masaya na nga ba? )sa buhay niya kahit kailangan niyang magbanat ng buto para lang may magastos sa pang-araw-araw niyang pangangailangan,lalo na sa pagkain at pag-aaral,isang simple at normal na lalaki na lang siya,ganon pa man,ni minsan,di na niya ginustong bumalik sa puder ng magulang niya,minsan,sinisilip niya na lang ang kanyang ina sa bahay ng kanyang ama,di natin masisi si Braze,lahat tayo gustong maging malaya,matupad ang pangarap,yong may parents na gagabay at susuporta sa kung anung gusto natin,hindi yong sila ang magdidikta at magdidisisyon sa mga bagay na dapat na gawin natin kahit di natin gusto.)

.
.
.

.
.

.
***AKIRA POV***
.
.

"What? no! kaya nga ako nag-aaral diba? para matuto ako kung panu patakbuhin ang negosyong naiwan ni Dad!ayaw ko ng arrange marriege,malaki na ako,may karapatan po akong mag disisyon para sa sarili ko,mommy please..ayaw ko.."Pagsusumamo ko ki mommy.

"Ilang years pa ang hihintayin natin,malapit ng mabankrupt ang companya natin,di ko na rin kayang makahanap ng mga mag iinvest.."-Mommy.

Pakasabi non ni mommy,lumabas na ako ng office niya,minaneho ko ang kotshe ko papuntang University.

.
.
.

"Huwag mong sabihin,hindi kana naman sasama samin ngayon.."-Biola

"Pwede tigilan niyo muna ako,gusto kong mapag-isa,makakapaglakad naman kayong di ako kasama,wala sakin ang mga paa niyo.."Sabi ko at binangga sila na nakaharang sa hagdan,muntik na nga yata silang mahulog,pwes wala akong pakialam.

Maaga pa naman,kaya nagtungo ako sa likod ng University,may mga bench,puno,at mga halaman,nagtungo ako sa likod ng mga halaman.
.
.

.
.

**BRAZE POV**

"Anung ginagawa natin dito sa garden?."-Ako

Nagulat ako ng hatakin ako dito ni Yael na may dalang guitara.

"Basta,maupo ka lang diyan.."-Sabi niya at pinaupo ako katabi ng mga halaman sa bato ako naupo.

"Ang hirap maging babae
kung torpe yong lalaki
may gusto ka
di mo masabi,
hindi ako yong tipo
magbibigay motibo
conservative ako kaya di maari..🎵🎵🎵🎵"Nagulat ako ng kumanta siya,pinigilan ko sana siya pero di siya nagpapigil kaya nakinig na lang ako,di ko alam ang gagawin,alam ko yong feeling na mareject,alam ko rin yong feeling na di maaring maging kayo ng taong gusto dahil alam mong di pwedeng ipilit ang di compatable.😞

"Anu?ok ba?alam mo na naman siguro to ?di ka naman tanga (nag-peace sign siya.),ang talino mo nga,mas lalong alam kong di ka manhid,sana huwag mo kung bastirin,kasi FIRST TIME ko tong magtapat sa taong gusto ko,at ikaw pa lang ang taong nagustohan ko,nakakababa man ng pagkababae,atleast nag-effort akong pansinin mo, kung di ka pa handa,handa naman akong maghintay,di lang kasi kita crush,at alam kong alam mo na ikaw yong tinutukoy ko.."Sabi niya habang hawak ang dalawa kong kamay at nakatingin sa mukha ko,ako tong di sakanya makatingin,dahil di ko alam kong panu ko sasabihin yong totoo na di siya masasaktan,malaki rin ang utang na loob ko sakanya,pero di naman yon sapat para mapatunayan kong gusto ko rin siya,oo masaya ako tuwing andyan siya,pero baka masaktan lang ulit ako o kaya kami pareho,at marealize kong di ko pala talaga kayang magmahal ng iba,dahil attractions lang ang nararamdaman ko sakanya na nawawala lang.

Ang hirap, ang hirap.

Adult Potion  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon