Chapter 32

34 1 0
                                    


"Walang nagbago,marinig ko lang ang pangalan mo,masaya na ako,naging kami ni Rio dahil sa natalo niya ako sa car race,pumayag akong maging girlfriend niya,para sana matanggap ko na di mo talaga ako gusto,kasi ang gusto mo-"pinatahimik niya ako.

"Sssh.. tama ng alam ko kung sinu ang gusto mo,at kung mahal mo ba talaga si Rio,o ako naman ang magpapaikot ng bote.."Hinawakan niya ang bote at tinapat niya sakanya,nagulat ako sa ginawa niya.

"Ganon na yon?so anu,truth or Dare?."-tanong ko,ngumiti siya.

"Di pa kasi tapos,atat ka kasi,huwag kang magmamadali,di lahat ng bagay na inaakala mo yon na,matuto kang maghintay,magpasensiya,at makiramdam."Makahulogang tugon niya,saka pinaikot ang bote.

"Truth or dare?."Napabusangot ako ng sakin na naman tumapat ang bote.

"Truth."Sagot ko.

"Anu ba ang hinahangaan mo sakin?."-Braze at medyu lumapit siya sakin,na parang gustong marinig ng mabuti ang isasagot ko.

"Basta mahal kita,gusto kita,yong kasungitan mo,ikaw,yong pagiging matakutin mo..,"Tinaasan niya ako ng kilay.

"Pati yon?di naman ako matakutin?."Sabi niya at nagpalinga-linga.

"Talaga?kahit sabihin ko na may nakikita akong sa likuran mo?."Halos di na huminga at gumalaw si Braze sa tanong ko,kaya hinawakan ko ang kamay niya.

"Woi!bat ang lamig!."puna ko,nagulat siya.

"Di nga? ma-mayron?."-siya,natawa ako,kasabay non ang mga kalabog sa bubong.

"Yan,mahal gusto parin kita,kahit matatakutin ka."sabi ko,at kinuha ang bote.

"Grabe ka naman,e sa takot talaga ako sa mga multo.."-Braze,at nag cross arm.

"Hahaha,o panu yan,truth or Dare?."-Sakanya kasi tumapat ang bote.

"Dare."-Braze.

"Pwede mo ba akong i-hug?."-Tanong ko.

"Di naman yan utos,tanong yan.."-Sabi niya at tumayo,akala ko aalis,yon pala pumunta sa likuran ko at binack-hug niya ako(💜__💜)

Mga 5seconds din yata yong pag-hug niya sakin,tapos bumalik na siya sa inuupoan niya.

"Ako na ang mag papaikot."-Braze,tumango ako.

Tatlong ikot na walang tinatapatan ang bote,kaya nagkatinginan kami,sabay tawa.

"Bat pa natin dinadaan kasi dito sa bote ang tanungan natin?pwede namang magkwentohan na lang tayo.."-Braze,kinuha ko sakanya ang bote ,at pinaikot,tumapat yon sakanya.

"Truth!."Sabi niya at sumandal sa upuan.

"Kung may choice ka,pipiliin mo ba akong mahalin kung wala si ate Dam?."Kinakabahan kong sagot,syempre iba yong noon,noon bata pa ako,yong ngayon,pwede na niya akong ligawan,napayuko ako ng tingnan niya lang ako,parang nagegets ko na ang isasagot niya.

.
.

"Mahal kita,pero mas mahal ko si Dam,magkalayo tayo ng edad."-Braze

"Bakit?age doesn't mattet naman diba,mamahalin kita ng higit pa sa pagmamahal sayo ni ate,bakit hindi na lang ako?."-naiyak na ako.

"Kasi bata ka pa,di mo pa naiintindihan, di kita magugustohan dahil ang ate mo ang gusto ko,magmahal kana lang ng iba,huwag na ako,kuya mo na ako.."-Braze,at tumayo.

Tumayo rin ako at akmang hahalikan siya pero tinulak niya ako.

"Ang baba mong babae,ayaw ko sayo!."-Braze,napaupo ako sa sahig at iyak ng iyak.

Adult Potion  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon