Chapter 59

31 0 0
                                    


Nilapit niya ang mukha niya sakin,naramramdaman ko na rin ang bawat hininga niya,shems..hala..napapikit na lang ako.

"Mapanghi.."-Braze na parang may inaamoy,naalala kong naihian ko ang pants ko.

"Bastos! alis nga!."Sabi ko at sinara uli ang pinto.

.
.
.

Habang nagdadrive siya,di kami nag-iimikan,dadalhin niya raw ako sa dating subdivission namin noon,di ko maiwasan mapangiti pagnaalalang naglapat ang lips namin kanina,di ako naiinis sakanya,nahihiya lang,di pa kaya ako nagtoothbrush.

"Bat tayo andito?."-Ako,ng ipark niya ang sasakyan sa tapat ng boarding house niya.

"Magpapalit ako,buti ikaw nakapagpalit na,tsaka,kakain muna tayo,ipagluluto kita,maaga pa naman,di pa tayo nag-aagahan diba.."-Braze,bumaba na siya.

"Marunong kang magluto?."-Ako

"Oo naman,sabi ko nga noon diba-"-Braze

"Na marunong ka,tinatamad ka lang.."Ako,ginulo niya lang ang buhok ko,sabay bukas ng pinto

"Maupo ka muna diyan,manood ka muna ng movie,pili ka lang,magluluto lang ako.."-Braze,napangiti ako sabay upo sa couch niya ,paminsan-minsan sinisilip ko siya habang nagluluto,di ko maiwasang kiligin..😻

"TOKTOKTOK.."-(katok sa pinto)

Agad akong tumayo at nagtungo sa pinto,pero ganon din pala si Braze,nag-init na naman ang mukha ko ng kamay ko ang nahawakan niya ,kamay ko kasi unang nakahawak sa door knub😍

"A-ako na.."-Sabi ko na kinikilig.

"Aaa,maupo kana lang don,bisita kita kaya ako na.."-Braze,pero nakapatong parin ang kamay niya sa kamay ko.

"TOKTOKTOK.."-(KATOK sa pinto)

Pinihit ko na ang pinto para buksan,ng mabuksan,nasa likod ako ng pinto si Braze ang nakaharap sa taong kumakatok.

Agad na may yumakap ki Braze na babae,napakunot-noo ako,at parang gusto kong kalbuhin tong babaeng to.

"Ehem..ay Braze yong niluluto mo,parang nasusunog na.."-Ako,tingin sa babaeng pumulupot sakanya,agad namang umalis sa pagyakap yong babae na si Yael pala,lalo tuloy nag-init ulo ko.

"Ay oo nga pala,napadaan ka El?."-Braze na agad pumunta sa niluluto niya kahit di pa naman nangangamoy,kakasalang niya pa lang kaya non,alam ko kasi panay silip ko sakanya,pagbigyan na.

"Aaa kasi,*tingin sakin*,dinalhan kita ng paksiw na isda,*naglakad na siya papunta sa may mesa* alam kung favorite mo to.."-Yael

"Naku,salamat ah,nagluluto na nga rin ako ng adubong manok.."-Braze,at tinikman yong niluluto niya.

Tumingin uli sakin si Yael na parang di mapakali.

"You're here..haha, may..may,sadya ka ? i mean ki Kate?."-Napataas kilay ako,anu bang karapatan niyang magtanong kong anung ginagawa ko dito? gf ba siya ni Braze?

Tumayo ako at lumapit sa mesa,sabay upo sa upuan,tiningnan niya lang ako.

"Matagal pa ba yan?.."-Malambing kong tanong ki Braze,para naman ipamukha ki Yael na pinagluluto ako ni Braze,di tulad niya,siya pa ang nag-bibigay,sabay pout ko,anu siya ngayon,point sakin,hahaha

"ay sorry,malapit na ito, after 5minutes pa,ikaw El,nag-agahan kana ba? baka gusto mong-"Braze

"Diba may pupuntahan tayo? malayo ba yon?."-Singit ko,nakakainis,aalukin pa yatang kumain.

"Hindi naman masyado.."-Braze

"Aalis kayo? san kayo pupunta? tsaka,wala ka dito kahapon at kagabi.."-Yael,ha? panu niya alam?napataas na naman akong kilay.

Adult Potion  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon