Chapter 17

43 1 0
                                    


"Humm anu, i love you.."Pabulong niyang sabi,napangiti naman ako.

"Talaga?."Tanong ko at iniangat ang mukha niya para pumantay sakin,sa wakas mahahalikan ko na rin siya,at di na rin siya pumapalag,ibig sabihin,wala ng urongan.

"Oo,e ako? mahal mo ba ako?."Imbis na sagutin ko siya ng magic words,unti-unti kong nilapit ang mukha ko sakanya.

"Anu kasi,may sasabihin ako."Sabi niya at yumuko,napapikit ako sa inis,yon na e,andon na isang inch na lang.

"Anu yon..?"Tanong ko habang kinukontrol ang galit ko.

"Paghinalikan mo ako,at hindi mo naman ako totoong mahal,magigi kang bata.."Natawa ako.

"Anu yon? may sumpa?hahaha,anu ba talaga?."Tiningnan niya ako at yumuko ulit,nagpapakipot lang yata to e,kinalma ko ang sarili ko at hinawakan ang baba ng mukha niya,at iniangat ko.

"Mahal kita ok.."Mahinahon kong pagkasabi para makumbinsi ko siya,ngumiti siya ng matamis,at pumikit ng muli kong ilapit ang mukha ko sakanya.

Unti-unti ,naramdaman ko ang malambot at mainit niyang labi,napadilat ako ng may maramdaman ako ng kakaiba.

"Ha! aaah!!! ."Sigaw ko ng makita ang itshura ko sa salamin ng cabinet ko,napatingin rin ako sa mga kamay ko,habang si Finch nakatakip sa bibig niya na nakatingin sakin.

"Anung nangyari?."Sigaw ko sakanya.

"Kasi,di ka naniwala,sinabi ko na naman sayo diba.."Naluluha niyang sagot.

"Kinulam mo ako! mangkukulam!ibalik mo ko sa dati!!."-Sigaw ko sakanya.

"Sinasabi ko na nga ba,di mo ko mahal! pinaglaruan mo lang ang feelings ko,kaya nararapat lang yan sayo!."Pakasabi niya non,tumakbo siya palabas ng kwarto ko,ako nanatiling nakatayo sa harapan ng salamin,napatingin ako sa nagbukas ng pinto.

"Hijo? hijo?Panu? sinong?anu-anung nanyari?."Tarantang tanong ni Manang ang mayordoma namin.

"manang,kinulam ako ni Finch,manang ibalik mo ko sa itshura ko,bat ako naging bata? manang tulongan nyo ko.."Niyakap ko siya na nanigas sa pagkakatayo.

"Te-teka hijo,sinu ka? a-asan si Braze?."Tanong niya.

"Ako to manang si Braze,kinulam ako ni Finch ."  

*END OF FLASHBACK*

Kaya magmula ng araw na yon, 4years na ang nakakaraan,di na ako nagpapapasok ng sinu mang babae sa room ko,tanging si Yaya,mommy at ate lang ang nakakaalam ng sikreto ko,ang dad ko,may ibang pamilya na,sad to say may tres maria's siyang anak sa pangalawa niyang pamilya,ibig sabihin ako lang ang nag-iisang anak niyang lalaki at nagkaganto pa,NAGIGING BATANG 12 YEARS OLD TUWING SASAPIT ANG KABILOGAN NG BUWAN, di man nakakapaniwala,pero yon ang katutuhanan,hanggang ngayon,pinaghahanap ko parin ang babaeng yon.

Napatingin ako sa baba ng terasa,nakita ko ang isang batang babaeng nakatanaw dito sa terasa,napalunok ako sa takot,nanindig rin ang balahibo ko,kaya tumakbo ako papasok ng room ko,sinara ko lahat,bintana pinto,ni-lock ko,nakakainis,wala pa naman si manang.😞

Natatakot ako,oo matakutin ako,dahil sa troma at nangyari sakin na di mapaliwanag,nagpaalbularyo na ako ng ilang ulit,nagpatingin sa mga doctor,kahit sa ibang bansa kasu wala,wala silang paliwanag sa nangyayari sakin, minsan pinagtatawanan pa ako,kasi imposible daw na mangyari ang ganto.

Apat na araw akong magiging bata after that magiging binata na naman, dahil sa nanyayari ito,kaya may mga exam akong namimissed sa school.

*KINABUKASAN*

"Hey!morning Kate.."Bati sakin ni Pamcy,nginitian ko siya.

"Laro tayo mamaya ha,wait,hanapin ko lang si ate Era ha.."Nginitian ko lang siya,at nagsimulang humakbang pababa ng hagdan.

Pagdating ko sa dining table,nadatnan ko si mommy at ate,naupo ako katabi ni mommy.

"Kate,lalo kang gumagwapo,nagbibinata kana a.."Pagbibiro ni ate,sinamaan ko siya ng tingin at inabot ang sandwich.

"Sssh,Shine,magsisimula ka na naman e."-pag-awat ni mommy.

"Ops,sarry my dear little brother.''Ginulo niya ang buhok ko.

"Tsk,stop it! pumunta ka lang ba dito para asarin ako o damayan?."Asar kong tanong,umayos siya ng upo at sumubo ng sandwich.

"Mommy o,look ate Era,she's so beautiful talaga,gusto ko pagdalaga ko katulad ko siya.."Napatitig ako ki Era ang ganda.  

Adult Potion  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon