Chapter Fourteen

2K 118 6
                                    

Whosoever believeth that Jesus is the Christ is born of God: and every one that loveth him that begat loveth him also that is begotten of him.
                                - 1 John 5:1

* Maine's POV

Sa wakas natapos na rin ang food conference. It was 7 pm at antok na antok na ako dahil sa maaga kong pag gising kaninang umaga.Nagkasundo kami nina Patricia na kumain muna bago bumaba sa Maynila.Agad hinanap ng mga mata ko  si Alden para isama sa restaurant na nasa labas lang ng function room. Nakita ko naman agad sya dahil nasa gilid lang sya ng hanay ng upuan kung saan kami nakaupo kanina.

"Pat, sandali lang ha tatawagin ko lang si Alden. " paalam ko sa kanya.

"Sige Maine, hintayin ka na lang namin ni Julia sa labas. "

" Okay ,wait lang." agad na akong lumapit kay Alden na noon ay matamang tinitignan ang paligid, kaya hindi nya ako napansin na papalapit sa kanya.

"Alden!" tawag ko sa kanya.

Agad naman syang lumingon sa direksyon ko at lumapit ng makita akong papalapit.

" Ms. Maine, so uuwi na tayo?"

"Kain muna tayo dyan sa katabing restaurant, I'm sure gutom ka na rin. Sama ka na sa amin ha."  sabi ko sa kanya habang sabay na kaming lumalabas ng function room.

" Ah Ms.Maine wag na lang kaya?Pag-uwi na lang natin ako kakain. Nakakahiya sa inyo." napakamot na naman sya sa ulo habang tumatanggi.
" Ano bang nakakahiya Alden? Kanina ka pang umaga sa hiya mo.Saka mahaba pa ang byahe natin pauwi kaya sa ayaw at sa gusto mo kakain ka. "

"Ms. Maine wag na lang."

"Mr. Crisostomo ha naiinis na ako sayo.Pabebe ka masyado. Lika na nga."  hinawakan ko sya sa braso at hinila palabas ng function room.Wala na itong nagawa kundi sumunod sa kanya.

Agad naming nakita sina Pat ng makapasok sa loob ng restaurant. Lumapit na kami kung saan sila nakaupo.

" Alden,Maine upo na kayo. Umorder na kami ng food natin." sabi ni Pat sabay turo sa magkatabing upuan.

Agad naman akong pinaghila ni Alden ng upuan bago umupo sa tabi ko. Nang dumating ang pagkain tahimik na kaming kumain.

*Alden's POV

Nasa kotse na kami pabalik ng Maynila. Sina Ms. Patricia at ang iba pa nilang classmates ay nag stay pa sa Tagaytay, gigimik pa daw sila.Kaya kaming dalawa lang ni Ms. Maine ang babalik sa Maynila ngayong gabi .

As usual wala pa ring kapagod- pagod si Ms.Maine habang nagkukwento.Napaka energetic pa rin kahit na almost buong araw ang conference. Nag eenjoy talaga ako sa company nya. Para kasing kayang kaya nya tanggalin ang pagod ko sa pagmamaneho sa pamamagitan lang ng kanyang mga ngiti. A breath of fresh air indeed. Hindi ko na mapigilang hanggaan ang buong pagkatao ng babaing ito dahil lahat sa kanya ay kahanga hanga. Napangiti ako sa isiping iyon.

Alas 9 na ng gabi at medyo mangilan ngilan na lang ang dumadaan sa dinadaanan namin. Nasa mapuno na kaming parte ng Tagaytay ng may mapansin ako sa rearview mirror Isang itim na Montero ang parang kanina pa sumusunod sa amin. Actually kanina ko pa napapansin na sumusunod ito hindi ko sigurado.Pero ngayon na confirm ko na dahil sa bawat pagliko namin sumusunod ito.

"Ms. Maine , huwag kang mataranta ha." sabi ko bago bahagyang binilisan ang takbo ng kotse, sa paraang hindi gaanong mahahalata ng sumusunod sa amin.

"Ha, bakit Alden?" napatingin sya sa akin.

"May sumusunod sa atin ,yung Montero na itim sa likod." sabi ko bago kinapa ang side arm sa tagiliran ko.Kinapa ko rin ang spare na bala at isa pang baril sa magkabilang binti ko.

Agad na napatingin si Ms.Maine sa likod namin.

"Alden, anong gagawin natin? " kinakabahang tanong nito. I saw fear in her lovely eyes. Agad kong hinawakan ang kamay nya.

"Don't worry Ms. Maine andito lang ako hindi kita pababayaaan.Just trust me okay? And sundin mo lang lahat ng sasabihin ko." assurance ko sa kanya at mas lalong hinigpitan ang hawak sa palad nya.

" Now get the bullet proof vest under your chair, and wear it immediately." utos ko sa kanya. Mas lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo dahil lumalapit na ang distansya namin sa Montero.

Nanginginig ang kamay ni Ms. Maine habang kinukuha ang vest, at isuot ito.

"Paano ka Alden?"

"Huwag kang mag alala sa akin, ikaw ang kailangan kong protektahan."  sabi ko sabay tingin sa rearview mirror. Nanlaki ang mata ko ng may lalaking bumungad sa car window at pinapatukan ang kotse namin. " Shit Ms. Maine yumuko ka bilis! "

" Alden!" sigaw nito habang nakayuko. Sunod-sunod ang putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid. Mabilis kong inilabas ang baril ko and tried to shoot the front tire of the Montero. Isang attempt lang sapol ko agad ang kaliwang gulong. Medyo nag pa ekis ekis ang takbo ng Montero pero humahabol pa rin. Sinubukan ko ulit silang paputukan, this time ang driver ang target ko. Dalawang putok lang natamaan ko na ang windshield, at agad sumadsad ang Montero sa gilid ng daan. Binilisan ko ang pagpapatakbo dahil sigurado akong hindi lang ang sakay ng Montero ang humahabol sa amin.Hindi nga ako nagkamali dahil isang Honda city naman ang humarang sa dinadaanan namin.Mabilis kong kinabig ang manibela para makaiwas sa kanila pero huli na pinaputukan nila ng baril ang magkabilang gulong ng sasakyan namin kaya napasadsad kami sa gilid.

Mabilis na nagsilabasan ang apat na kalalakihan at tinutok ang baril sa kotse namin.

"Shit! Ms. Maine stay here.Hanggat hindi ko sinasabing bumaba ka, huwag kang baba." bilin ko sabay tingin sa kanya na noo'y nakayuko sa gilid ng kotse.Nanginginig ang buong katawan nito dahil sa takot. Pinigilan ko ang sarili ko na yakapin sya,kailangan ko munang harapin ang mga lalaki sa labas.

- OMG guys! What will happen next? May mangyari kaya na masama kay Maine and Alden? Will they find comfort in each others arms despite the chaos they encounter? Abangan!
Thanks sa mga nagbabasa guys! Aldub you!
tweet me your thoughts @iamlhudy87

The BAEdyguard ( The great wall of Alden Crisostomo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon