Prologue

4.3K 153 4
                                    

'For I know the plans I have for you.' declares the Lord. ' Plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.'

- Jeremiah 29:11

*Maine's POV

Nasa kotse ako at busy sa pagte- text, kasama ko ang driver/bodyguard ko na si Kuya Wally. Araw-araw ganito ang routine namin, hatid - sundo sa school. I'm a senior highschool sa isang exclusive school.

It was already 6pm and we're on our way to Timog.May family dinner kasi kami doon para i-celebrate ang pagiging Cum Laude ni Ate Pauleen.Nag-text na si Mommy,nandoon na raw sila sa restaurant kasama ang younger brother ko na si Baste at si Ate Pauleen.Doon na lang daw nila kami hihintayin ni Daddy. Si Daddy naman, on the way na rin. Galing pa kasi sa session ng Senado.

Maya-maya pa nakarating na kami sa restaurant. Nang makapag - park na si Kuya Wally, bababa na dapat ako nang biglang....

" Maine!yumuko ka bilis!"sigaw ni Kuya Wally.

" Bakit Kuya?!? " nagulat kong tanong sa kanya.

" Basta yumuko ka!! " sigaw ulit ni Kuya Wally. Agad nitong nilabas ang side arm na nasa bewang nito.Ilang saglit pa umalingawngaw sa paligid ang sunod-sunod na putok ng baril.Natatakot man, sumilip pa rin ako sa bintana ng kotse at parang sasabog ang ulo ko sa nasaksihan.

May 15 katao na armado ng matataas na kalibre ng baril sa harap ng restaurant kung saan naroon sina Mommy. Ang mga bodyguards nila na nasa labas ay nakikipagpalitan ng bala sa mga naturang lalaki.

"Maine! Ano ba sinabi kong yumuko ka!" sigaw ulit ni Kuya Wally.

Nanginginig ako nang muling yumuko habang nasa magkabilang tenga ko ang mga kamay ko. Takot na takot ako sa mga nangyayari.

" Tatawag ako ng pulis para sa back-up,tawagan mo si Senator." utos ni Kuya Wally.

Natatarantang dinial ko ang number ni Daddy ngunit ring lang ng ring ang phone nito, hindi nya sinasagot.

" Kuya hindi sinasagot ni Daddy," umiiyak na ako habang kausap si Kuya Wally."Kuya sina Mommy,baka kung napaano na sila sa loob."

" Wala tayong magagawa Maine kundi hintaying dumating ang mga police back-up na tinawagan ko, kesa may mangyari ding masama sayo.Wag kang mag-alala paparating na yung mga pulis. "

Wala akong magawa kundi bumalik sa pagkakayuko habang umiiyak.Makalipas ang ilang sandali, tumigil na ang putukan.Muli akong sumilip sa bintana nang sasakyan at nakita kong may paparating na Police Mobil. Karamihan sa gunmen ay mga nakahandusay na sa kalsada ang mga duguang katawan.May mga ilang sugatan sa mga bodyguards namin. Tatakas sana ang mga natirang gunmen ngunit agad silang naharang ng mga pulis.Mabilis akong bumaba ng kotse at tumakbo papunta sa restaurant.

" Mommy!! "

The BAEdyguard ( The great wall of Alden Crisostomo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon