Chapter Twenty Eight

1.9K 124 7
                                    

For we brought nothing into this world, and it is certain we can carry nothing out.
                       - 1 Timothy 6:7

*Maine's POV

Kahit tapos na akong magkwento kay Auntie Anna, hindi pa rin humihinto ang mga luha sa mga mata ko. Patuloy pa ring nagdudugo ang puso ko sa alaala namin ni Alden.

"So, naniniwala ka sa sinabi nya na hindi ka nya mahal? Gayong sinabi mo na damang dama mo yung pagmamahal nya sa iyo? "

"Anong magagawa ko Auntie? Masyado nya na po akong sinaktan."

"There's a bigger picture than what we choose to believe baby girl. Anong malay mo may mabigat na dahilan kaya nya ginawa yun? Sinubukan mo ba syang kausapin ulit after ng araw na iyon?"

Umiling ako bago muling nagsalita.

" What for Auntie? Nagpakababa na nga po ako noong araw na iyon, hindi pa po ba sapat yun?" pasimple kong pinunasan ang mga luha ko dahil nakakaagaw na kami ng atensyon sa mga kalapit naming tables.

"Yan baby girl! Yang pride na yan ang unang nakakasira ng relationships. Sige lang, magpataasan kayo ng pride tignan ko lang kung may kahantungan ang kwento ninyong dalawa."

Napakagat labi ako sa sinabi ni Auntie, nasapol kasi ako.

"For once Nicomaine eat your pride, dahil kung hindi kakainin ka nyan ng buong-buo." dagdag pa nito.

"So Auntie, ako ang may mali sa mga nangyari sa amin?"

"I'm not saying na ikaw ang mali, what I'm trying to say is both of you need to reach out for each other. Meet halfway. Huwag kayong magsumbatan ng pagkukulang o pagkakamali ng bawat isa. Huwag kayong magsilipan ng efforts sa relasyon ninyo. Ganoon ang totoong pag ibig baby girl, mahirap sa una dahil sa mga trials. Pero pag nalagpasan nyo na ang lahat ng pagsubok mas magiging stronger na ang relasyon ninyo."

Muli akong natahimik sa mga sinabi ni Auntie. Maya-maya pa, wala sa sariling nilabas ko ang cellphone ko at hinanap ang number ni Alden. Hindi ko pa rin binubura ang lahat ng nagpapa alala sa akin  kay Alden sa cellphone ko. I'm still holding on na muli kaming mag kakaayos. Umaasa pa rin ako.

The BAEdyguard ( The great wall of Alden Crisostomo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon