Chapter Twenty One

1.8K 115 7
                                    

For we wrestle not against flesh and blood, but against principalities, against powers, against the rulers of the darkness of this world, against spiritual wickedness in high places.
                     - Ephesians 6:12

*Alden's POV

Kung kanina para akong tinadyakan sa dibdib sa kwento ni Tatay ngayon para akong dinaganan ng sampung sako ng semento.Literal na hindi ako makahinga sa kumpirmasyon ni Tatay.

Ang grupo ni Tatay ang pumatay sa pamilya ni Maine.Sa pamilya ng babaing pinakamamahal ko.

Marahas akong tumayo na ikinagulat ni Tatay. Lumapit ako sa pader at buong lakas kong pinagsusuntok habang dumadaloy ang masaganang luha sa mga mata ko. Hindi ko tinigilan ang pader hanggang sa mamanhid na ang mga kamao. Hanggang sa puro dugo na ang pader, dugo na galing sa kamao ko. Agad akong nilapitan ni Tatay para awatin.

" Anak ano bang nangyayari sayo? "

Hindi ko sya sinagot, sa halip para akong kandilang unti unti nauupos. Hinang hina ako hindi dahil sa sakit ng kamao ko kundi dahil sa sakit na namamahay sa puso ko.

" Tay, anak ni Senator Placido ang babaeng mahal ko. Ang nag- iisang anak ni Senator na hindi kasama noong umatake ang grupo nyo." hindi pa rin tumitigil ang mga luha sa mga mata ko.

"Ha?" gulat na tanong ni Tatay. "A-anak..."

Marahas kong sinambunutan ang buhok ko bago muling nagsalita.

" Hindi ko alam Tay kung kanino ko dapat isisi ang lahat ng mga pangyayaring ito.Isa lang ang alam ko Tay, mawawala na sa akin ang babaing mahal na mahal ko."

" A-anak hindi ko alam kung anong sasabihin ko."

"Tay iwan nyo po muna ako. Kailangan ko lang pong mag isip."

Tumayo si Tatay at tinapik ako sa balikat bago umalis.Agad kong inilabas ang cellphone ko at bumungad ang mukha ni Maine na wallpaper ko. Hinanap ko ang numero nya sa phonebook ko. Hindi ko alam kung tatawagan ko sya o hindi. Nagulat pa ako ng biglang mag ring ang phone ko,si Maine.

Nakailang ring muna bago ako nagkalakas loob na sagutin.

"Mahal! Sorry hindi ako nakapag reply kanina, nakatulog kasi ako. So how are you? How's Tito? Okay lang ba sya? " sunod -sunod na tanong nito.

"Okay lang sya m-mahal, okay lang din ako."

"Okay? You sounds strange.May problema ba? Bakit ganyan ang boses mo? Are you crying? "

" Okay lang ako mahal,namiss lang namin ni Tatay ang isa't-isa." shit! nahahalata nya ako! I don't know kung gaano pa ako ka convincing sa mga sinasabi ko.

"Sabagay, 17 years is not a joke. So how's everything? Kwento ka naman."

" Okay lang ang lahat. Ahhh mahal, pwede bang bukas na lang tayo mag-usap? Napagod kasi ako sa byahe, saka hindi rin maganda ang pakiramdam ko." parang tinutusok ng maliliit na karayom ang dibdib ko dahil sa mga sinasabi ko kay Maine.

" Ganun ba? Sige take your medicines mahal." may panghihinayang sa boses nito ng sumagot.

" Okay, I will. Bye. I- I love you mahal kahit anong mangyari." muli, tumulo na naman ang masaganang luha sa mga mata ko.

" I love you too.Pagaling ka."

Then I heard the beep tone.

Mabigat pa rin ang loob ko ng magpunta ako sa kwarto ko. Nagulat pa ako ng abutan ko si Nanay doon at may dalang alcohol at bulak. Walang salitang ginamot nya ang mga sugatang kamao ko. Nang matapos, agad na nagpaalam si Nanay na magluluto muna ng hapunan namin. Tumango lang ako bago nahiga sa kama ko.

Bukas, isang desisyon ang gagawin ko na alam kong pagsisisihan ko habang buhay pero kailangan kong gawin.

Napapikit ako at pinilit ang sarili na makaidlip para pansamantalang makalimot sa lahat ng mga pangyayari ngayong araw. Kahit sandali lang, kahit sandali.

- Next chapter is up guys! More heartbreaking scenes sa susunod na chapter!! Salamat sa support nyo guys! Lamyu ol!!
Tweet me your thoughts @iamlhudy87

The BAEdyguard ( The great wall of Alden Crisostomo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon