Chapter Fifteen

1.9K 126 1
                                    

And I thank Christ Jesus our Lord, who hath enabled me, for that he counted me faithful, putting me into the ministry;
1 Timothy 1:12

*Alden's POV

"Baba!" sigaw ng isa sa apat na lalaki habang nakatutok ang mga baril nila sa amin. Napatingin ako sa likod at nakita kong papalapit na rin ang Montero sa lugar namin.Tinantya ko ang apat na lalaki sa harap bago ako lumabas ng kotse.

"Taas ang kamay Crisostomo kung ayaw mong sumabog ang bao ng ulo mo!" sigaw naman ng isa pa. Nakataas ang magkabila kong kamay ng bumaba ng kotse. Malapit na ang Montero, kailangan kong magdesisyon. Mas mahihirapan akong dumepensa kapag nadagdagan pa sila.

" Kayong dalawa, kunin ang anak ni Senator at isakay sa kotse. Bilisan nyo at baka may makakita pa sa atin." utos ng isa sa mga lalaki.

Mabilis na kumilos ang dalawang lalaki, agad silang lumapit sa kotse ni Ms.Maine. Bago pa makalapit ang dalawa, mabilis kong binunot ang baril sa bewang ko saka pinaputukan ang mga ito. Parehong sa dibdib ang tama ng dalawa. Sunod kong pinaputukan ang dalawa pa, balikat at dibdib ang tama. Agad kong hinila palabas si Ms.Maine para tumakbo sa kakahuyan.

" Ms. Maine bilis!" hinawakan ko sya sa kamay at sabay kaming tumakbo palayo. Narinig ko pa na paparating na ang Montero.

" Ms.Maine bilisan pa natin nandyan na yung iba!"

Muli na namang umalingawngaw ang putok ng baril sa paligid. Nasa kalagitnaan na kami ng pagtakbo ng biglang....

"Aaahhhh!!" sigaw ko.Naramadaman ko ang pag agos ng dugo sa kaliwang balikat ko. Nabitawan ko ang kamay ni Ms. Maine at napaluhod sa damuhan dahil sa sobrang sakit na naramdaman ko.

"Alden! Oh my God!" sigaw nito. Agad nya akong dinaluhan sa pagkakaluhod ko.

" Shhhhh Ms.Maine wag kang maingay, baka ma locate tayo.Okay lang ako huwag kang mag alala. Kailangan lang nating maghanap ng pagtataguan natin." tumayo ako at muling ginagap ang kamay nya, muli na kaming tumakbo.

*Maine's POV

Isa isang bumalik sa alaala ko ang mga pangyayari limang taon na ang nakakaraan. Ang mga putok ng baril,ang mga gunmen, ang mga duguang katawan ,lahat ng iyon ay nagpapa alalala sa pagkamatay nina Mommy. Kanina pa nanginginig ang katawan ko sa takot.Pero nakita kong lumalaban si Alden kahit na may tama na sya ng baril, kaya kahit papaano nagkalakas loob ako.

Bakas sa mukha ni Alden ang paghihirap dahil sa tama nya ng baril pero mahigpit nya pa ring hawak ang kamay ko. Mayamay pa nakaramdam ako ng iilang patak ng ulan sa aking mukha,hanggang sa dumalas na ang pagpatak. Lumalakas na ang ulan.

" Ms.Maine dito tayo." turo ni Alden sa isang malapad na puno na may malaking uka sa gitna.

"Bilis Ms.Maine baka mabasa ka ng ulan." sabi nito bago ako alalayan sa pagpasok sa loob.Nang makapasok ako,agad na ding sumunod si Alden. At dahil matangkad sya,medyo nahirapan syang pumasok. Sakto ng makapasok si Alden,bumuhos ang malakas na ulan.

The BAEdyguard ( The great wall of Alden Crisostomo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon