Chapter Twenty

1.8K 109 4
                                    

A man shall be satisfied with good by the fruit of his mouth: and the recompense of a man's hands shall be rendered unto him.
- Proverbs 12:14

*Alden's POV

Malapit na ako sa bahay namin, ilang hakbang na lang.Nang nasa gate na ako, agad kong tinext si Maine na nakarating na ako. Pero hindi sya nag reply , nakatulog na siguro. Agad kong binalik sa bulsa ko ang cellphone ko at kumatok na sa gate.

"Nay! Rizza! Andito na ako."

Mayamaya bumukas ang pinto at bumungad si Rizza.

"Kuya."

" Rizza,asan sina Tatay? "

"Nasa sala sila ni Nanay kuya."

Agad na kaming pumasok sa loob ng bahay. Nabungaran ko sila sa sala. Agad na tumayo si Tatay at sinalubong ako.

"Anak!"

"Tatay!" mahigpit kaming nagyakap. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at napaiyak na ako. Sa loob ng labing pitong taon ngayon ko lang ulit nayakap si Tatay.

" Kamusta ka na anak? Ang laki laki mo na."

" Okay lang po Tay,kayo po kamusta? Parang ang payat nyo po. Nagkasakit po ba kayo?"

" Kakagaling ko lang sa trangkaso anak. Halika doon tayo sa balkonahe at nang makapag kwentuhan tayo. Magmano ka muna sa Nanay mo."

Agad akong lumapit kay Nanay at nagmano pagkatapos ng kaunting kamustahan sununod na ako kay Tatay sa balkonahe.

" Maupo ka anak." sabi nito bago tinuro ang upuan sa tabi nya.

Agad naman akong umupo.

" Ngayon Tay, ano po ba talaga ang nangyari sa inyo sa loob ng nakaraang labing pitong taon?"

" Makinig ka anak, at sana pagkatapos kong magkwento maiintindihan mo pa rin ako."

Kinakabahan man, tumango na lang ako.

" Siguro iniisip nyo na namatay na ako o nakapag asawa ako ng iba,pero wala sa dalawang iyon ang talagang nangyari sa akin anak. Noong umalis ako dito sa Laguna isang malaking sugal ang ginawa ko, dahil hindi ako sigurado kung may mahahanap akong trabaho sa Maynila.Ilang buwan akong sumubok,kahit ano basta marangal na trabaho pinasukan ko para lang mabigyan kayo ng maayos na buhay.May nahanap naman ako pero hindi pa rin sapat para bumuhay ng pamilya. Hanggang isang araw may lumapit sa akin na dalawang lalaki. Tinanong nila ako kung gusto ko daw ng trabaho na may malaking sahod. Natukso ako dahil sa malaking halaga na inaalok nila. Agad akong sumama ng hindi nagtatanong kung anong klaseng trabaho ang papasukan ko. Ipinakilala nila ako sa tinatawag nilang Boss at doon sinabi kung anong trabaho ang inaalok nila. Isa palang malaking sindikato ang napasok ko anak. Isang sindikato kung saan ang pangunahing trabaho ay pumatay ng tao kapalit ng malaking halaga. Natakot ako noon kaya sabi ko aatras ako dahil ayokong maging isang kriminal. Pero huli na,hindi na daw pwedeng umatras dahil nakilala ko na sila. Pinag training nila ako ng kung ano anong istilo ng pakikipaglaban. Hanggang sa maganap ang una kong misyon. Isang reporter ang nakatakda naming patayin. Binayaran ang grupo namin ng isang pulitiko para itumba ang reporter dahil sa pagbabalita nito na winaldas ng pulitiko ang pera ng bayan. Pikit mata kong ginawa ang trabaho ko, inisip ko na lang na isang assignment lang at aalis na ako sa grupong ito. Nang maisakatuparan namin ang misyon na iyon,muli akong nagpaalam kay Boss na aalis na ako. Hindi nya pa rin ako pinayagan,sabi nya pa kung magpupumilit daw ako kayang kaya nyang ipapatay ang pamilya ko. Natakot ako anak hindi para sa sarili ko kundi para sa inyo.Hindi impossibleng gawin nila ang bagay na iyon dahil sa lawak ng koneksyon nila. Kaya ayaw ko man,napilitan na akong magpakalubog sa kumunoy na kinasadlakan ko.Hanggang sa isang pagpatay ay dumami. Hindi nahuhuli ang grupo namin dahil sa koneksyon ng Boss namin at ng mga mayayamang kliyente namin." saglit syang huminto na parang hapong hapong sumandal sa upuan. Wari ay nahirapan syang huminga kaya inabutan ko agad sya ng isang basong tubig. Nang matapos uminom,agad nitong pinagpatuloy ang pag kukuwento.

"Akala ko ang mga sandaling iyon ang pinaka madilim na parte ng buhay ko, pero hindi pa pala.Isang araw may lumapit sa Boss namin,isang Gobernador. Gusto nyang ipapatay ang buong pamilya ng isang Senador dahil sa pakikialam nito sa drug factory na pag aari nya.Napatay namin ang asawa at anak ng Senador na noon ay nasa isang restaurant. Marami ring nalagas sa grupo namin dahil sa dami ng bodyguards ng Senador.Tatlo lang kaming nakaligtas sa grupo. Pero may mga dumating na pulis kaya napigilan ang pagtakas namin. Pero sumpa man anak kahit isang bala wala akong pinakawalan ng mga oras na yun.
Hindi na napansin ng mga kasamahan ko dahil nasa likod ako.Ilang beses ko ring tinutok sa sentido ko ang baril dahil gusto ko ng tapusin ang pagiging myembro ko ng sindikatong yon, pero mga mukha nyo ang nakikita ko kaya hindi ko naituloy anak. Sabi ko hindi pa ako pwedeng mamatay kasi kailangan ko pa kayong makita. Hanggang sa makulong ako. Sa ngayon anak nakalaya na ako dahil executive clemency na binigay sa akin dahil naging mabait daw ako sa loob ng kulungan at dahil na rin sa edad ko."

Parang may tumadyak sa dibdib ko dahil sa pagiging pamilyar ng kwento ni Tatay. Parang napanood ko na dati ang insidenteng iyon.

"Tay, sino po yung Senador ? Nalaman nyo ba? "

" Oo anak,si Senator Placido."

- update guys!!! Salamat sa continues support ha...Kapit lang po, malapit na syang matapos.
Lamyu ol!
Tweet me your thoughts @iamlhudy87

The BAEdyguard ( The great wall of Alden Crisostomo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon