Chapter Thirteen

2K 124 1
                                    


The elder unto the elect lady and her children, whom I love in the truth; and not I only, but also all they that have known the truth;
                  - 2 John 1:1

*Alden's POV

We are talking anything and everything under the sun habang nagda drive ako. Masarap pa lang kakwentuhan si Ms. Maine. Makulit at kwela. Wala kahit katiting na bakas ng pagiging brat nito dati.

" Teka, nag almusal ka na ba Alden? "
tanong nito habang nasa kalagitnaan kami ng byahe. Saglit akong napatingin sa kanya sa rearview mirror bago ako napakamot sa ulo.

" Hindi Ms.Maine eh, 4:30 na kasi akong nagising kanina kaya hindi na ako nag almusal." sabi ko saka ibinalik sa daan ang mga mata ko.

"Hala! Ano ka baBakit hindi mo sinabi agad?"

"Okay lang Ms. Maine doon na lang siguro ako sa Tagaytay kakain." saglit ko syang tinignan dahil naka red light naman ang stop light.

"Teka sandali. "  nagulat na lang ako sa sunod nyang ginawa, bumaba sya ng sasakyan at lumipat sa front seat.

"Ms. Maine,teka ano bang ginagawa mo?' katabi ko na sya ngayon.

" Kakain tayo. Don't worry susubuan kita para makakain ka pa rin habang nagda drive ka. Here kainin natin yung mga pinadala ni Daddy. " sabi nito habang naglalabas ng sandwich sa food container.

Tinaggalan nya muna ng balot ang sandwich bago nilapit sa bibig ko. Nakatingin lang ako sa kanya, hindi ko alam kung tatangapin ko o hindi.

"Uii Alden,kagat na nangangawit na ako." pukaw nito sa pagkalatulala ko.

"Eh Ms. Maine nakakahiya naman sayo." namumula na ata yung tenga ko sa sobrang hiya.

" Sige na kasi,ang arte mo naman. Hndi ka naman papayag na ako ang mag drive kaya let me take charge on this okay? Now say ahhhh." sabi pa nito bago muling inilapit sa bibig ko ang sandwich.

Napilitan akong kagatin ang sandwich bago muling pinaandar ang sasakyan.

"Good. " natatawang sabi ni Ms. Maine bago kumagat sa isang sandwich na nasa kabilang kamay nito.

Natawa na rin ako. Napaka spontaneous talaga ng babaeng ito. Hindi ko akalaing gagawin nya ang mga ganitong karandom na  bagay. Sinubuan nya ulit ako bago tignan ang iba pang laman ng food container.

" Here, ang dami palang pinadala ni Daddy. May french fries,chips and chicken nuggets. Try some. "  sinubuan nya ulit ako this time, yung chicken nuggets naman.

" Teka lang Ms.Maine, dahan- dahan lang baka mabulunan ako." sabi ko,punung-puno na kasi yung bibig ko.

" Don't worry, girl scout ata si Nay Ruby kaya mayroon tayong tubig." binuksan nya muna ang bottled water bago inabot sa akin.

Nang matapos akong uminom, nakaumang na naman sa bibig ko ang sandwich. Muli akong kumagat.

" Tsk,ang messy mong kumain Alden." sabi nito bago muling lumapit sa akin para punasan ang gilid ng bibig ko gamit ang isang daliri.Hindi ko na mapigilang mapangiti. Kalalaki kong tao pero kinikilig ako sa mga simpleng gestures nya tulad nito.

"Sweet naman, girlfriend duties."  sabi ko sa sarili ko.

Bahagya nya akong pinalo sa balikat na ikinagulat ko.

" Ui anong girlfriend duties? I'm just returning you the favor sa ginawa mo para sa akun dati Alden, wag kang ano dyan." natatawang sabi nito bago sumubo ulit ng nuggets.

Patay na napalakas pala ang bulong ko. Narinig nya tuloy ang sinabi ko. Napainom akong bigla ng wala sa oras.

"Ha? Sinabi kp ba yun Ms. Maine? " kaila ko.

" Oo nho, gusto mo ba ulitin ko? " tanong nya sa akin bago ako muling subuan ng nuggets.

Kumagat muna ako bago umiling.

"No need Ms. Maine, I rest my case. Talong talo ako sayo." 

Natatawang ipinagpatuloy namin ang pagkain habang nagkwekentuhan ng kung ano-ano.

It was past 7 am nang makarating kami sa Tagaytay.May oras pa sila para makapag pahinga bago mag umpisa ang food conference.

- ayan na guys ang update.. I hope nag eenjoy kayo sa story. Mas kapanapanabik ang mga susunod na chapter guys. Maraming pang magaganap sa pagitan nila stay put lang kayo. Anyways salamat guys sa support! AlDub you!
Tweet me your thoughts @iamlhudy87



The BAEdyguard ( The great wall of Alden Crisostomo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon