Argiah's POV
Halos ikamatay ko na ang kakatawa. Kitang-kita ng dalawang mata ko kung ano ang reaction nila.
I told you, di kami nagpapatalo. Nandito kami ngayon sa classroom. Tawa padin kami ng tawa.
"Grabe girls! HAHAHA yung mukha nila! Mukhang naulul na ewan!" Lakas parin ng tawa netong si Rix.
"Syete! Hirap kaya maglagay ng strong glue dun!" Sabi naman ni Zaph.
"Sino kasi nakaisip?" Alam kong pinipigilan lang ni Agatha tumawa pero sa totoo lang, nauutot na yan kapipigil sa tawa.
Si Ayesha naman kanina pa umiiyak katatawa, pero ngayon okay na siya. Baka daw kasi masobrahan mahirap na.
Bumili ako ng 26 pieces na strong glue, kaya tig-lilima sila. At dahil may sobra, kay Night na namin naibuhos yung sobra.
Pano namin nalaman na andon sila nakaupo? Simple, teritoryo nila yung halos mangangalahati ng cafeteria. Ganyan sila kagahaman.
5 mns bago mag recess, nilagay na ni Zaph yung glue. Tas yung upuan nila may pangalan (oh diba? Sosyal nila punyeta) kaya alam namin kung saan sila.
"Sino pa ba? Edi ang katangi-tangi!" Proud kong pagkasabi.
"Pero nakapagtataka..." Singit ni Agatha.
"Wala siyang dikit."
Tinutukoy niya si Night. Di ko din alam kung bakit wala siyang dikit actually nga upuan niya ang huling nalagyan kaya yung natira sakanya, eh medyo marami rami pa yun.
"Okay lang yun! Basta si Panget meron. Sapat na! HAHAHA!" Di ko padin mapigilang tumawa.
"Gaganti yung mga yun ramdam ko." Sabi ni Ayesha.
"Edi gumanti sila, GAME diba? Nasa Easy mode palang tayo. Tska na sa Intermidiate pag namumuro na sila." Sagot ko.
Pagkatapos naming mag usap at magtawanan dumating na ang teacher namin.
As usual, lesson ulit. Tas ako? Syempre tulog lang tulog HAHAHA madali lang naman akong pumick-up ng lesson!
Dapat nga Section A1 kami kaso syempre, iba padin yung sobrang talino tas sa 'sobrang mapera'
Mapera nga kami pero di kami magaaksaya ng pera para lang mapunta sa Section A1Isa pa Section A2 naman kami.
Sa Section A1 kasi kahit di matalino nandoon, nakakapasok dahil sa hatak ng pera. Katulad nalang ni Duke. Psh kaklase ko yan dati nung Grade 5.Walang alam kundi mangopya tsk. Yan ba ang Section A1? Puro kasi sila yabang.
Actually, new student kami dito last year. 4th Year na kami ngayon. Bilis nga ng panahon eh, nahihila.
Maniwala man kayo sa hindi si Tyler una kong nakausap dito sa school na toh.
Pano ba naman? Tanungin ka pa naman ng
"Bago ka dito?"
Sino kaya di mauulul dun? Syempre dahil nga maldita ako. Sinagot ko.
"Nagtanong ka pa! Obvious na nga. Nakacivillan nga diba? Kung alam mo namang obvious wag ka ng magtanong nagmumukha ka lang tanga. Sayang mukha mo kung shunga ka. Hmp maiwan na nga kita!"
Sorry na! Ako na maldita. Sa totoo lang ako naman talaga nagsimula ng lahat. Tsk kala ko bang gaganti yan?
At syempre simula non may bashers na ako. Magpapatalo ba ako? No way!
Third day of school pumasok sila Ayesha.Busy kasi sila SOBRA.
At dahil mga kaibigan ko yan. Hahayaan ba nila akong magisa? Of course NOT! What are bestfriends for?
BINABASA MO ANG
The Game of LOVE: ON
Teen Fiction"You know what they say about game of love? It's all fun until someone gets hurt." Game of Love: ON By: BlackedHeart05 2016-2017 @All Rights Reserved.