Argiah's POV
"ANO NAPOST MO NA?" Tanong ko. Dyosq! Mas malala pa toh sa strong glue.
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA KINGINA LAPTRIP!
"Happy happy ah? Pinagnanasaan mo lang mga brief niyan eh!" Pangaasar ni Rix.
"HAHAHAHAHAHA" Sabay sabay nilang tawa.
Wala na ako sa mood.
"Pagnanasaan? Hah! Asa siya, makakatikim muna siya ng kiss sa pwet bago mangyare yun! Epal mo din eh, ipost mo na lang kaya!" Siraulong babae toh.
"Grabe guys! Wag naman masyadong you know, iblurd niyo naman!" Sabi ni Ayesha.
"Yah yah, medyo kaderder eh kawawa naman!" Sabi naman ni Zaph.
T@NG1NA ANO DAW? KAWAWA?
"Ulitin mo nga sabi mo Zaph" kawawa? Big word!
"Ah hehe sabi ko buti nga sakanila noh Rix? Post mo na ako unang magcocomment HAHAHA!" Sabi naman ni Zaph na habang nakangiti na natatakot.
"Good." Sabi ko. KAWAWA? TAENANG YAN!
"Oo na! Ako na bahala! Shoo wag kang magpaclingy dito Zaph ah!" Sabi naman ni Rix kay Zaph.
Nagpout naman si Zaph. Aish kulit.
Nandito kami ngayon sa bahay nila Agatha. Kawawa naman eh, magdamag na nakakulong dito. HAHAHA
3 weeks din siya suspended. Lupet noh? Haha sarap ng buhay niyan! Like me owowow~
Pero pansin ko lang, parang di siya gaano madaldal. Yeah, tahimik siya pero alam naman niyang makisama samin at may pagkabruhilda din yan pag kaharap na ako.
At ngayon, isang MALAKING QUESTION MARK ang nangyayare. At syempre, dahil TRUE FRIEND ako.
Di ako manhid at di ko siya hahayaang magisa ng ganyan ang kalagayan.
Lumapit ako kay Agatha. Nagcecellphone kasi siya.
"RIVAL!" sabi ko sabay akbay. Nagulat naman siya.
"U-Uy! Bakit?" Sabi na eh, may something eh. Kasi pag umakbay na ako magsusungit na yan like 'Don't touch me' o kaya naman 'Umalis ka nga'
"Alam mo, kaaway kita. Diba? Kaya anong problema?" sabi ko naman.
"I'm just stressed." Nagbuntong hininga siya.
"Stressed? Lagi ka namang stress eh!" Pangaasar ko.
"Siraulo, pagod lang ako. Di mo ba gets?"
Hay Agatha.
"Alam mo? Pabebe ka pa eh. Pasalamat ka kinausap ka ng rival mo! Minsan lang yun ah? Tska lakas makapagdala yang mukha mo, laking mong simangot. Panget ka na nga, papanget ka pa? Kawawa ka naman pa surgery na kita."
She just smiled. Tinanggal niya yung pagkaabay ko then...
"ARAY! ANG SAKIT AH?" Ginantihan ko din siya pabalik. Aba! Batukan ba naman ako?
"Sira ka pala eh, makapag sabi ka ng panget." Sabi niya sabay tawa.
Siguro nga stress siya. Mamaya ko na siya kakausapin, namamatok na eh.
"Tss bahala ka nga dyan!" Sabi ko sabay tayo para kamustahin kung ano na lagay sa nangyayare dun sa pictures.
"BWAHAHA PERFECT!" Sabay sabay nilang sabi sabay apir.
"Hey you two! Look at this HAHAHA!" Pagaaya saming dalawa ni Agatha.
"Nah, makikita ko din yan mamaya dito sa facebook." Sabi ni Agatha.
BINABASA MO ANG
The Game of LOVE: ON
Teen Fiction"You know what they say about game of love? It's all fun until someone gets hurt." Game of Love: ON By: BlackedHeart05 2016-2017 @All Rights Reserved.