Chapter 07: Trouble

8 1 0
                                    

Argiah's POV

'Beep beep'

Kinuha ko ang phone ko.

Saverixe:

Hey girl! Di na ako sasabay sa'yo! Ang bagal mo eh! If I'm not mistaken katatapos mo palang maligo. Hahaha byeee ingats~ :*

Ako:
K you too.

I replied.

Katatapos ko lang maligo. Dahil saturday ngayon binalak sana namin na ngayon namin gawin ang film para sa practical.

Kainis nga eh, practical agad eh July palang ngayon at 4 weeks na ang nakakalipas simula nung first day of school.

Masyadong maaga, kainis na school toh. Puro stress nalang binibigay samin.

Kasalukuyang nagbibihis ako ngayon, isang simpleng v-neck black t-shirt lang naman at may nakasulat na "Touch me or Die" at ripped jeans.

I don't want to wear girly outfits like dresses or maong shorts. Di ako sanay na maexpose ang legs ko pati na ang back ko.

All tho na mayaman kami ayokong makipagsabayan sa mga suot nila. Rivera's family is a royal family. Lahat ng far lolo and lola's ko. May ari ng malalaking lupain dito sa Pilipinas even sa Macau.

Pati nadin ang side ng mommy ko. Ang mga Lee, halos kapantay na din ng Rivera. Marami din silang pinatayo dito pati na din sa Korea and States.

Kasalukuyang nasa ibang bansa sila dahil doon talaga ang pinaka companya nila. Naiwan ako dito sa pinas dahil I prefer leaving here.

Tska kung dun man ako mag-istay, sigurado ako buong summer ko ay puro business. Kailangan ko daw yun sa future. Tsk letcheng future yan.

Tska isa pa ayoko dun kasi tuwing may business party sila, they forced me to wear those ugly gowns atska magmake-up. As I told you, I hate girly stuffs like that.

Wala ako ibang kasama kundi ang mga kasambahay namin.

Inayos ko na ang gamit ko para makapaghanda na. Sa mall na kami magkikita sa Starbucks.

Punyeta kasing panget yan eh, edi sana nagpapakasarap ako dun sa café na yun. Bat ba kasi nagkataon sakanila yun? Takteng yan mamimiss ko oreo cake nila dun!

Lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba.

"Giah, kumain ka na ba ng tanghalian?" Tanong ni Lola Farla.

Actually, di ko siya lola, kasamabahay namin siya. Loyal siya sa pamilya namin. Dalaga palang si mama naninilbihan na siya.

Sa lahat ng kasambahay, siya ang pinakaclose ko. Giah ang tawag niya sakin, pero pag yung iba naman 'Ma'am Argiah'.

"It's okay lola. Sa mall naman ako pupunta, dun nalang ako kakain."

"Ingat ka dun ah? Wag magpapagabi. Oh siya, baka late ka na." Sabi niya.

Niyakap ko siya at tuluyan na akong umalis.

Kinuha ko na ang susi ko at pumunta na sa sasakyan.  Ayokong magpadrive sa mga driver namin ngayon dahil kaya ko naman. Duh! 17 na ako tsk. 1 year nalang lisensyado na nako.

Di alam nila mom na nagdadrive ako, kasi kung sakali mang malaman nila, Well, goodbye for my Hilux.

Ayaw talaga. Kahit nga siguro mag 18 na ako eh di parin nila ako papayagan.

Habang nagdadrive ako, pinatugtog ko ang mga kanta ng ATL. Syempre fan eh!

                       💣💣💣

The Game of LOVE: ONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon