Entry 008

14 2 0
                                        


008

03/31/16

Lahat ng bagay may dahilan. Pwedeng nakakabuti, pwede ring hindi. Pwedeng sa una, masasaktan tayo. Pero sa huli, mapapagtanto natin na may naidulot din pala itong maganda. At dun na masasagot ang mga tanong mong bakit.

Ang gusto ko lang naman sabihin ay masyadong maikli ang buhay at masyadong maganda ang mundo para hindi gawin ang lahat ng pwedeng gawin (may sense man o wala) at magpaka-emo habang nagkukulong sa kwarto dahil lang sa nalaman mong tinwo-time ka ng syota mo, o nawala mo ang one thousand pesos na baon mo sa isang linggo, o dahil natalo ka sa pustahan mo at ikaw si tanga na pinusta ang susi ng kotse mo, o dahil nahuli ka ng gising kaya hindi mo naabutan yung pag-sign ng clearance ng teacher mong pa-espesyal. Pero sige, normal lang na magmukmok ka. Pero huwag namang habang buhay kang ganyan. Kailangan mo pa ring umusad kahit slowly.

You just need to dig deeper of the meaning of everything. And then you'll see, how it made you change. In a way that made you a better person than yourself yesterday.

Tangna napapa-english na tuloy ako. :/

Ang Diary Ni JeycoMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon