Entry 007

16 2 0
                                        


007

03/29/16

Sa tagal ng existence ko sa planetang Earth, hindi na kaya ng utak kong hindi mambara ng kung ano mang marinig ko. Ewan ko ba pero automatic na yun sa'kin. Tipong may magkwekwento lang tungkol sa experience niya 10 minutes ago, may mabubuo ng sentence sa utak ko na against dun.

Weird nga eh. Pero hanggang Ed Sheeran lang ako, tumi-Thinking Out Loud lang. Harhar

Wala lang. Ang random ko, putek. Para akong sticky notes. Ewan ko rin kung anong kinalaman ng sticky notes basta yun na yun.

Na-cucurious'an ako sa maramingggggggg bagay. Parang ngayon sa nakikita ko. Bakit hindi naka-arrange alphabetically ang keyboard? Bakit kailangan itapat pa ang straw sa sago para lang makuha ito? Bakit straw ang ginagamit sa mga shake? Bakit hindi na lang kutsarahin? Bakit hindi lang iisang kulay ang kuko ng kaibigan ko? Bakit kailangang alternate blue at pink? Bakit may butas-butas yung mga upuan gayong nakakawala lang ito ng comfort? Bakit ang tagal kumain ng isa kong kaibigan? Bakit pa naka-display yung nakabiting clock kahit mali naman ang oras nito? Bakit maliliit na bilog ang table namin? Bakit hindi na lang nilakihan para all for one, one for all? Bakit sa tasa nakalagay ang fries at hindi na lang sa plato gayong hindi naman yun inumin? Bakit ang daming ilaw dito pero naka-off naman? Bakit ang mahal ng shake? Makatarungan kaya ang presyo nito? Bakit may nakasulat na 'no outside food or drinks', eh hindi ba kainan dito? Bakit pa nila dinisplay yung bulletin board na may mga naka-pin na sulat? Bakit kailangan mo pang umakyat ng labing-apat na hakbang para makapasok at makaalis sa kainang iyon? On-purpose ba iyon para mapagod kami at gustuhing kumain? Bakit may malaking speaker dito sa tricycle eh hindi naman ginagamit? Alam kaya ng driver na pampasikip lang iyon? Bakit naka-leather shoes si manong driver?

Hay, nakaka-curious talaga. Feeling ko nga rin na-cucurious na tong mga kasama ko kasi kanina pa ako hindi nagsasalita at nakatutok lang sa phone.

Kaya bye muna! Papasok pa ang dyosa. Charaught!


Ang Diary Ni JeycoMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon