Entry 003

11 2 0
                                    

003

03/0716

Ang judgmental ko. Sobra. As in sobra.

Ako yung tipong tahimik lang at kung hindi man nag-ble-blend in sa crowd, ay humihiwalay sa crowd kasi hindi ako "mataong" tao. Hindi ako friendly, medyo introvert. Pero alam niyo, kahit tahimik man ako, nag-iingay pa rin ako. Hindi man sa salita, pero sa utak ko, sobrang ingay ko. Parang ngayon, etong tinatype ko, boses ko sa utak ko.

Nung promnade ng school namin, nanood ako, although mga isang oras lang at sa labas lang ng school, sa may gate. Wala lang. Trip lang. Tumitingin-tingin at nagmamasid. Kapag nagandahan sa isang dress o tux, sasabihin(sa isip o hindi). Kapag napapangitan naman, sasabihin din either sa isip rin o sa mga kaibigan. Tapos may nakita akong isang babae na may kasamang babae na mukhang nanay niya. Naiksian ako sa damit niya. Naisip ko agad "Hala ano ba yan, ang iksi ng damit. Kulang na kulang yung tela. Mas maiksi pa ata sa twalya ko 'yan eh. Tapos hala, kasama pa niya yung nanay niya? Pinayagan siya ng nanay niya na magsuot ng ganyang klase ng damit? Ang careless naman ng nanay niya. Hindi ba niya naisip kung anong pwedeng mangyari sa anak niya at kung anong sasabihin ng iba? Grabe."

Habang tinatype ko 'to, talagang naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako bakit ganun ako mag-isip. Bakit ang dumi-dumi ng utak ko. Bakit ang judgmental ko.

Nakakainis. Nag-conclude agad ako without even considering some possibilities.

Hindi ko man lang inisip kung baka naman may dahilan kung bakit ganun, mababaw man o mabigat na dahilan. Who knows kung ano yung dahilan na yun? Who knows kung wala ng choice yung mag-ina kundi yun na lang para suotin ng dalaga? Who knows na baka wala silang budget para bumili o ma-afford ang masdisenteng damit? Who knows na yun lang ang damit na mahihiram nila? Who knows na may something na mahalaga sa damit na iyon kaya iyon ang sinuot niya? Who knows kung ano ba talaga ang dahilan nun di ba?

At kahit ano pa man yun, higit sa lahat,  sino ako para mag-isip ng ganung klaseng bagay? Sino ako para husgahan yung mag-inang yun o kahit na sino man?

Sobrang nagsisisi talaga ako. Pero wala na akong magagawa kasi nangyari na eh, nagawa ko na eh. Ang pwede ko na lang gawin ay huwag nang maging judgmental at i-consider ang kung ano mang circumstances at possibilities. At gusto ko ring i-share na sana po iwasan na natin ang pagiging judgmental. Kahit sino pa po tayo ay wala tayo sa posisyon para manghusga ng ibang tao. Who knows nga naman kung ano ang reason behind every story, 'di ba? At ano bang pake natin? Buhay nila 'yun, unless wala silang natatapakang iba, pwede nilang gawin ang kahit anong gusto nilang gawin.

Sabi nila "Don't judge a book by it's cover."

Sabi ko naman, "Don't judge. Just don't."

Kasi for example yung book(literal o hindi), hindi mo nga jinudge yung cover pero yung loob naman ang jinudge mo. Kunwari may nakita kang typo o wrong spelling o wrong grammar o hindi mo trip yung content, huhusgahan mo na agad.

Malay mo may something na dahilan kaya nangyari yun, mabigat man na dahilan o mababaw, hindi natin alam. No one really knows the story behind a story other than the one who owns the story.

Ang Diary Ni JeycoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon