Entry 002

21 1 0
                                        


002

03/01/16

Bakit kaya may mga taong mahilig sa sugal? Kagaya nung mga taong taya ng taya sa jueteng at sa lotto kahit hindi naman manalo-nalo. Yung mga taong laging ready pumunta sa bahay ng kapitbahay na namatayan para maglaro ng bingo, lucky 9 at kung ano pang sugal. Yung mga taong ang hilig makisali sa mga pustahan sa sabungan kahit na isang malakas lang na ihip ng hangin ay tatangayin na ang mga pusta nilang manok. Bakit may mga taong go lang ng go sa pakikipagsapalaran kahit na konti lang ang pag-asang manalo sila?

Bakit may mga taong ipinapaglaban ang isang bagay kahit na alam nila na sa simula pa lang ay talo na sila? Hindi ba parang katangahan na iyon? Ikaw na rin mismo ang lumikha ng dahilan para saktan ang sarili mo.

Parang ako kaninang naglalaro kami ng agawan-base sa school. May hinahabaol akong kalaban hanggang sa di ko namalayan ay nasa base na nila kami at walang anu-ano'y in-out nila ako hanggang sa ma-out of balance ako at mapaupo sa sahig. Tawa kami ng tawa pagkatapos noon at kinukutya nila ako sa stunt kuno na ginawa ko. Sino ba naman kasi ang didiretso sa base ng kalaban na wala man lang back-up? (Ako lang ata)

Yung ginawa ko kanina. Napaka-senseless na act. Para akong sumabak sa isang giyera na ang setting ay sa kuta ng kalaban at walang akong dala ni isang armas at wala din akong back-up. Katangahan, right?

Pero dahil 'dun sa ginawa ko kanina, may naisip ako. Sa tingin ko alam ko na yung sagot sa mga tanong ko. Why do people always fight for something knowing the fact that it is them who'll lose in the end? Siguro kasi they want to feel contented. Contented in the way na masasabi nila sa sarili nilang at least they did their part and kung hindi man dapat mangyari ang gustong nilang mangyari, at least nalaman nila at wala silang pagsisisihan doon. Hindi sila magtatanong ng mga what-if's sa future at hindi sila manghihinayang sa kahit anong bagay.

Sa case ko naman, kung maibabalik ang oras, gagawin ko pa rin ang 'stunt' na ginawa ko kasi 'pag hindi yun nangyari, eh di wala kaming pagtatawanan? At saka dagdag na rin yun sa memories naming magkakaklase kasi alam ko naman na malapit na yung panahon na magkakahiwahiwalay din kami.

At masaya na ako dun. :)

Ang Diary Ni JeycoMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon