Entry 006

12 1 0
                                    

006

03/28/16

Ako na siguro yung pinaka-extreme na taong nakilala ko. Kaninang umaga mukha akong baliw na nakatakas sa mental. Tawa ako ng tawa. Yung tipong simpleng biro lang ng kaibigan ko kahit gasgas at corny, tinatawanan ko. Ni hindi nga mawala yung ngiti ko eh. Nag-lunch ako. Kumanta ng rap song ng mga anim na beses. In-isolate ko yung sarili ko sa iba. Nagpaka-emo ako. Half badtrip, half depressed sa wala. Ewan ko sa sarili ko. Ngayon, hindi na ako makausap nang matino at straight lang ang face ko na nagttype sa phone habang nakikinig sa recognition and promotional rites namin. Every word pinakikinggan ko kahit hindi halata.

Hindi ko alam kung bakit nabahiran na naman ng bad vibes ang araw ko. O hindi ko alam kung bakit ang late kong nabadtrip. Hindi ko alam kung madi-disappoint ba ako sa sarili ko o ano.

Hindi kasi ako aakyat sa stage para sabitan ng medalya.

Hindi kasi ako nakaabot sa top 10.

Alam ko namang kasalanan ko kasi hindi ako nagpursigi. But then again, hindi naman ako nakakafeel ng regret kasi alam ko naman nung first day of classes pa lang. Sabi ko nun sa sarili ko pagkapasok sa room 'ay, pangit 'tong school year na 'to.' Hindi ko rin alam kung bakit pero malakas lang talaga ang gut feel ko. Kaya ayun, yun ang tumatak sa isip ko, kaya sinawalang-bahala ko ang pag-aaral.

Pero okay lang, at least itatatak ko na talaga sa utak ko na kailangan kong mag-strive sa pag-aaral next school year.

Basta ang masasabi ko lang (dahil nasosobrahan na ata ang pagdradrama ko), walang magagawa ang pagsisisi kung hindi ka rin babawi.

Maghanda talaga sila next year, ha. Chos!

Basta tayong mga kabataan, kayod lang ng kayod! Ma-ppay off din lahat ng paghihirap natin in the end. :)

하자!

P.S. Congrats pala sa mga grumadate, gumagraduate at gragraduate this year!


Ang Diary Ni JeycoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon