Entry 005

13 2 0
                                        


005

03/17/16

Kapag may tiyaga, may adobong manok. Bakit hindi nilaga? Eh sa favorite ko adobong manok eh! K.

Katatapos lang namin mag-test :) Pero may tatlong subjects pa kaming tetest'n bukas :( Pero kahit papaano, tapos na yung mahihirap na subjects. Madadali na lang bukas kaya hindi na 'ko magrereview. Hehe. #SipagKoMedyoLang

Ay tas ano pala, last week nanalo kami sa speech choir competition. Sobrang saya namin noon kasi siyempre na-paid off yung pinuhunan naming pagod at effort. Worth it lahat ng pagod, luha't pawis at pati yung mga hindi pagkakaunawaan namin. Tas extra happy at proud kami kasi kami na naman nanalo pati nung freshmen kami. Kaya dating gawi ang peg namin, outing! Kaso wala pang sched tsaka medyo busy busy kami. Excited ako na malungkot. Excited kasi siyempre outing yun ng buong klase. Malungkot kasi pwedeng yung outing na yun ang maging last bonding namin na magkakasama.

Oh well, bawal nega. So ayun nga, kung walang tiyaga, walang adobong manok. Sana lang pati yung results ng exam okay rin. Hihi.

Ang Diary Ni JeycoMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon