Entry 004

13 2 0
                                        

004

03/12/16

Naniniwala ka ba sa destiny? Naniniwala ka ba na nakatadhana na ang lahat at planado na ang lahat ng mangyayari?

Kung totoo man ang destiny, sinong nakakaalam? Pwede kayang mabago ang destiny? Pwede kayang mabago ang nakatadhana na? Sino ang makakasagot sa tanong na ito? Bakit? Paano niya masasagot?

Nakaka-curious lang kasi. Ang daming nagtatanong kung totoo ba ang tadhana pero walang makasagot nang may maayos na eksplanasyon at matibay na pruweba.

Nakatadhana kayang isulat ko ang mga ito? Nakatadhana kayang mangyari ang kung anong mangyayari, o tayo mismo ang gagawa ng sarili nating kapalaran? Kung tayo nga mismo ang gagawa ng kung ano sa sarili nating desisyon at kilos, nakatadhana kaya na gawin natin ito? Gulo noh?

Tanong ako ng tanong pero wala akong makuhang sagot. Pero sana madami akong makuhang tamang sagot sa. . . . . .

Exam namin.

Goodluck sa atin! Sana ay may sapat tayong kaalaman at gabayan tayo ng Panginoon sa pagsagot ng ating mga exam. :)

Ang Diary Ni JeycoMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon