009
04/11/16
Hmm, feeling ko ang tagal na nung huling sulat ko dito. But anyways, eto na ang entry number 9.
Naaalala ko pa nung una kong maisipang gumawa ng ganitong kaartehan sa buhay. Nung una, trip-trip lang, pero umabot sa puntong napasabi ako ng 'gusto ko na lang magsulat, baka kasi sumabog ako kapag hindi ko pa nilabas 'tong nararamdaman ko.'
Hindi kasi ako pala-share na tao. I mean, oo naman pero hindi yung sa mga deep na bagay. Hindi ako nagsasabi ng mga problema ko sa iba, kahit sa magulang ko o sa bestfriend ko. Hindi nga kasi ako yung tipong open sa tunay na nararamdaman. Pwede na nating sabihing plastic ako, pero ganito lang kasi talaga ako. Minsan, magsasabi na lang ako ng mga clues katulad ng idioms tungkol sa nararamdaman ko, pero hindi ko pa rin sasabihin. Ganun ako hindi ka-open.
Buti na lang naisipan kong gumawa ng ganito. Kaya thankful pa rin ako kasi hindi pa rin ako sumasabog.
:3
