Entry 012

15 1 0
                                        

012

05/23/16

Grabe! Nasa tens digit na pala 'to! Ngayon ko lang napansin. Ang tagal ko ng hindi nakapagsulat. Na-miss ko 'to.

Kaya matagal akong hindi nagparamdam kasi wala ako sa hometown ko. Kumbaga nagbakasyon kami. Hindi ko na nga alam kung gaano na kami katagal dito. Basta ang sabi uuwi kami bago magpasukan. Siguro mukha akong busy pero sa totoo lang, wala naman akong ginagawa dito. Wait lang ha, i-recall ko lang mga bagay na ginawa ko dito.

Ahhhhhhhhhhh, ayan! Na-recall ko na.

Bandang alas-nueve ako naigising tapos kakain tapos magcecellphone tas maggi-guitara tas balik sa cellphone hanggang makatulog uulit o hanggang magtanghalian. Pagkatapos kumain, magscro-scroll lang sa facebook, tas konting tingin sa twitter at magt-tweet na rin, tas manonood ako ng documentary films sa youtube hanggang antukin at makatulog. Mga alas-kwatro, magigising na ako. Check ng phone kung may nagmessage pero malulungkot kasi wala, kaya maliligo na lang. Tas laptop ulit hanggang sa tawagin na ako ng mga pinsan ko manood ng liga ng basketball o kaya volleyball.

Speaking of volleyball, si crush! Hindi naman ako taga-dito kaya walang pamilyar sa akin maliban sa mga kamag-anak ko. May isang hapon na nakapagbago sa buhay ko. Charaught lang! Basta player siya ng volleyball. Hindi siya gaano matangkad at payatin din. Okay na sana kaso ang problema, hindi kami talo. Alam niyo yung feeling na magkaka-crush ka na nga lang, sa bakla pa. Isang malaking sampal ng bulaklak, na may kasamang paso. Awtsu 'di ba?

Pero okay lang, crush ko pa din siya kahit parehas kami ng tipo. Hahaha! Pero atleast nakapicture ko siya. Kabog kayo! Tapos naka-chat ko pa siya. Maliit na bagay 'di ba? HAHAHA

Ang lungkot lang kasi simula ngayong gabi, wala na kaming papanoorin sa court na mga bias namin. Kahapon kasi 'yung awarding. Pinakamasaklap pa, hindi tag-dito yung crush ko. Dumayo lang pala siya. Edi hindi ko na siya ulit makikita? Sad naman. :(

Anyways, napahaba na ito jusko. Ba-bye na nga. Ingat kayo. Baka mahulog kayo tas walang sumalo. ;)

Ang Diary Ni JeycoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon