Tinitiis ko ang pagiging matamis n'yo sa isa't-isa. Handa akong tiisin lahat kahit pa mapunta ka sa kanya. "Mahal kita, mahal kita, mahal kita, mahal na mahal na mahal na mahal kita..." kahit ilang beses kong sabihin yan o kahit isigaw pa sa harap mo, hindi mo ako maririnig dahil nasa kanya ang atensyon mo, siya ang gusto nila para sayo, wala ako d'yan sa mundo mo... Ang tanging magagawa ko lang ay ang sundan ka, ang buhay mo kasama siya sa bawat pahina ng librong aking binabasa.
BINABASA MO ANG
Maiksing Pag-aakda
Short StoryMaiksi ngunit may mas malalim na kahulugan. Maiksi ngunit makabuluhan.