Nakasuot na naman sa tainga niya ang earphones, nasa ilalim na naman siya ng puno na lagi naming tambayan, nakapikit na naman siya gaya ng dati. "Miss na kita." rinig kong sabi niya. Miss na rin kita. "Mahal kita." Mahal rin kita. "Hahaha." musika sa pandinig ko ang mumunting halakhak niya. Lumapit ako, tinanggal niya ang nakalagay sa tainga niya. "Uy and'yan na pala ang pinakamamahal ko." Matutuwa sana ako kung para sa akin ang tingin mo kaso, sa likuran ko pala diretso ang mga titig mo. Nagyakap kayo, kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. Ganyan tayo dati, nung nabubuhay pa ako.
BINABASA MO ANG
Maiksing Pag-aakda
Historia CortaMaiksi ngunit may mas malalim na kahulugan. Maiksi ngunit makabuluhan.