Kakaibang pakiramdam ang dulot mo sa sistema ko. Agad akong kinakabahan t'wing naririnig ko ang pangalan mo, agad akong napapakagat labi t'wing mababasa sa kung saan ang pangalan mo at agad na kakalabog ng husto ang puso ko t'wing nabubuo sa isip ko ang mukha mo at bawat galaw mo. Kakaiba, kahit paulit-ulit ko mang nararamdam ang kakaibang sensyasyong dala mo, nakakapanibago pa rin talaga ito. Napapangiti na lamang ako ng mapait t'wing naaalala kong piksyunal ka lang at kailanman ay di tayo magtatagpo.
![](https://img.wattpad.com/cover/71117044-288-k873242.jpg)
BINABASA MO ANG
Maiksing Pag-aakda
NouvellesMaiksi ngunit may mas malalim na kahulugan. Maiksi ngunit makabuluhan.