Alaala

15 0 0
                                        

Naaalala ko ang mga linyang sinambit ng iyong mga labi, ang iba ay sinulat ko pa upang di ko malimutan. Binabasa ng paulit-ulit, ang iyong imahe ay namumutawi sa aking isipan. Ang mga imahe ng ngiti mo, naghahatid ng kaba sa dibdib ko. Naalala ang mga salita mo, iniisip na para sa akin ang mga ito. Patuloy sa pagkalabog ang aking dibdib, naghahatid ng kaba, saya, lungkot at ligaya. Isang isipin ang naghatid sa akin sa panghihinayang at nakakatakot na kalungkutan. "Di ka totoo, habangbuhay ka d'yan sa libro, sa librong pinanggalingan mo." Masakit, ngunit ako'y tuluyan nang nahulog sayo, sayo na hindi kayang saluhin ang pag-ibig ko dahil isa ka lang karakter, karakter na minamahal ko.

Maiksing Pag-aakdaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon