Lumabas ako ng bahay, seksing-seksi ang pakiramdam ko dahil sa suot kong tube. Nadaan ako sa kanto kung saan may kumpulan ng mga kalalakihan, sinisipulan nila ako, sabay tawanan. Bastos ito sa pandinig ko, umuwi akong bugnot na bugnot. "Kuya, nakakabastos ba talaga ang suot ko?" sinagot ako ni Kuya ng: "Oo, lalo na kung kasing...maton kita..." sabay tingin niya sakin, mula ulo hanggang paa.

BINABASA MO ANG
Maiksing Pag-aakda
Short StoryMaiksi ngunit may mas malalim na kahulugan. Maiksi ngunit makabuluhan.