Isa't kalahating oras na akong nakaupo't naghihintay. Minsan lumilinga-linga sa paligid at baka ika'y matanaw na. Minsan naman ay kunwaring may hinahalungkat sa aking bag upang ang pakiramdam ng pagkahiya'y matakpan. May oras ring tatayo ngunit agad rin namang uupo kapag napagtantong mukhang tanga ang ginagawa.
"Kay tagal naman..." ang laging kong nababanggit.
Inip na inip na ako.
Dumaan pa ang ilang mga minuto nang tumunog ang cellphone ko.
"Hello, nasaan ka na? Magdadalawang oras na ako dito," bungad ko sa iyo.
"M-mahal..." ang taging sabi mo. Tila ka kapos sa hininga.
"Ano? Darating ka pa ba?" tanong kong pagalit.
"M-mahal... P-pasenya n-na. H-hindi n-na a-ako m-makakapunta. M-m-mahal k-kita..." matapos mong sabihin ay saka lang lumiwanag ang ingay sa kabilang linya.
"Ay d'yos ko!"
"Ambulansya! Tumawag kayong ambulansya!"
"May nakamukha ba? 'Yong plate number, may nakakuha ba?"Iyan ang mga ingay na nadinig ko sa kabilang linya bago maputol ang linya.
Napaupo ako. Huminga ng malalim at napatingin sa kawalan.
Muli ay tumunog ang cellphone ko.
Tinitigan ko muna ito ng ilang segundo bago sinagot.
"Hello, nasaan ka na? Magdadalawang oras na ako dito," muli ay bungad ko.
"Malapit na..."
"Sige," ang tanging sagot ko pagkatapos ay pinatay ang linya.
Lumipas ng limang minuto at nasa harap na nga kita.
"O, bayad mo. Kumpleto 'yan. Huwag mo na akong kokontaking muli. Tandaan mong kahit kailan, hindi tayo nag-usap. Maliwanag?" sabi ko.
"Ha? Bakit sino ka ba?" ang sagot mo kasabay ng mapaglarong ngiti sa iyong mga labi.
"A! Oo nga! Bakit ba ako nakikipag-usap sa isang estranghero," sabi ko sabay iling.
Agad kang umalis at ganoon din ako. Naglalakad-lakad ako nang muli ay tumunog na naman ang cellphone ko.
"Hello? Bakit po kayo napatawag?" sagot ko.
"Dea... Dea, wala na siya... Wala na si Marcus," sabi nang nasa kabilang linya sabay palahaw sa iyak.
"P-po? P-pero p-paano po n-nangyari y-yon? Magkausap lang po kami kani-kanina lang! Hindi po 'yan totoo!" sagot ko.
"Dea... Nagsasabi ako ng totoo..." sabi niya sa pagitan ng mga hikbi.
"Hindi po ako naniniwala..." sagot ko at pinutol ang tawag.
BINABASA MO ANG
Maiksing Pag-aakda
Cerita PendekMaiksi ngunit may mas malalim na kahulugan. Maiksi ngunit makabuluhan.