"Uy! Uy! Ikaw yun diba?" Sigaw sa akin ng isang di kakilala. "Ha?" Sino ba 'to? Sinipat-sipat niya ang aking mukha sabay sabing: "Oo, ikaw nga! Ikaw yung kimokopyahan nila Gemma at Anna dati! Kamusta ka naman? Siguro ang ganda ng trabaho mo ngayon 'no? Matalino ka eh, ano palang trabaho mo? Alam mo ba, sila Gemma at Anna eh nagta-trabaho sa isang kumpanya bilang isang Engineer. Galing 'no? Akala ko nga dati di papasa yung dalawa dahil puro lang naman pagpapaganda ang ginagawa. Hahahaha pasalamat sila sayo dahil biyaya para sa kanila ang utak mo. Hala! Male-late na ako! Sige, alis na ako ha?" Sabi nito sabay tingin sa relo niya at lumakad na palayo. Maayos na pala ang buhay ng dalawa kong kaibigan dati, mga kaibigan na kilala lang ako t'wing may kailangan.

BINABASA MO ANG
Maiksing Pag-aakda
Cerita PendekMaiksi ngunit may mas malalim na kahulugan. Maiksi ngunit makabuluhan.